MRT-3 trains muling pabibilisin ang takbo; gagawing 50 kph na simula sa Nobyembre

Imahe mula sa Facebook
  • Muling bibilisan ang takbo ng MRT simula sa Nobyembre 3
  • Gagawin na itong 50 kph mula sa kasalukuyang 40 kph
  • Dahil dito, inaasahang mababawasan ang oras ng biyahe ng mga tren ng limang minuto

Susubukan ng pamunuan ng MRT-3 na dagdagan pa ang kasalukuyang speed ng kanilang mga tren kapag bumalik na ang kanilang operasyon sa ika-3 ng Nobyembre.

Mayroong scheduled maintenance ang MRT 3 simula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2 kung kailan umano inaasahang bibilisan pa nila ang takbo ng kanilang tren mula sa 40 kph at gawing 50 kph na ito.

Mike Capati, MRT-3 Director for Operations| Imahe mula sa Autocar PH

Nagsagawa na ng dry run ang MRT 3 nitong Huwebes, ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

“Kaya nga may mga simulation bago i-implement para macheck natin kung may techincal issues pa so far wala kami nakukuha… Kaya di namin kami bibiglain na pagdating sa November 3 na 50 kaagad… Kailangan yung driver mo makapag-adjust din sa speed,” paliwanag ni Mike Capati, MRT-3 Director for Operations.

Dahil sa ganitong hakbang, inaasahang mababawasan ng limang minuto ang isang biyahe ng MRT trains mula sa 1 hr 10 mins at magiging 1 hr 5r mins na lamang. Bukod dito, iikli na rin umano ang magiging pila ng mga pasaherong naghihintay sa mga istasyon.

Noong Oktubre 1 lamang ay ginawang 40 kph ang takbo ng MRT trains mula sa dating 30 kph.

Imahe mula sa PTV 4

Bunga ito ng paglalagay ng mga long-welded rails (LWRs) sa lahat ng MRT-3 stations bilang bahagi ng massive rehabilitation program ng EDSA rail line na isinagawa ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries.

Huling tumakbo ng 60 kph ang mga tren ng MRT-3 noong Setyembre 2014 pa kung kailan sumadsad ang isang tren nito sa Taft Station.

Loading…