Nakapunta ka na ba sa “Mossy Forest” ng Agusan Del Sur?

  • Napa-wow ang mga netizens sa isang tampok na tourist spot sa Agusan Del Sur
  • Ito ay ang “Sayang Mossy Forest” na makikita sa Lambak ng Compostela
  • Tinatawag din itong “White Peak” 

May listahan ka na ba kung saan-saang mga lugar ka magpupunta at mamamasyal kung sakaling humupa na ang pandemya at papayagan na ang paglalakbay? Puwes, kung mga lugar na hindi mo pa nagagalugad ang hanap mo, isama sa listahan ang “Sayang Mossy Forest” sa Agusan Del Sur, Mindanao.

Pinag-usapan ng mga netizens ang kahanga-hangang kariktan ng gubat na ito na tinatawag ding “White Peak” sa opisyal na Facebook page ng “Agusan Del Sur Tourist Spot Fan’s Page” kung saan makikita ang ilang mga kuhang larawan, na nagkukubli sa Lambak ng Compostela. Ibinigay pa nila ang detalye kung paano makatutungo roon.

Imahe mula sa Facebook page ng Agusan Del Sur Tourist Spot Fan’s Page

“Nabunturan, the capital town of Compostela Valley is approximately 90 kilometers away or about a two-hour ride from the Ecoland Bus Terminal in Davao City. Transfers to any public utility vehicles in Nabunturan for another ride to any destination in the province is readily available,” ayon sa kanilang Facebook post.

“There are single motorcycles for hire locally known as ‘habal-habal’ or skylab which will take you to Barangay Andap in New Bataan where White Peak is located. New Bataan is about 40 kilometers from Nabunturan,” paliwanag nila sa mismong lokasyon ng mossy forest.

Inilarawan din nila ang mga inaasahang maaaring makita at matanaw roon.

“Trekking time to reach the summit can be as short as 8 to 10 hours, but in a more relaxed pace (recommended), the climb would usually take two to three days. The trails are a rich mixture of thick mossy forest and steep grassy slopes which in some parts may require built-in ropes for easy navigation.

“Peak 1 is densely forested, while Peak 2 provides a commanding view of Compostela Valley and the adjacent Davao Oriental, the Samal Island, as well as a full view of Mount Apo. Also within view is Mount Candalaga, another high mountain in Compostela Valley.”

Imahe mula sa Facebook page ng Agusan Del Sur Tourist Spot Fan’s Page

Para sa mga nagnanais na makapunta rito, mangyaring makipag-ugnayan sa mga numerong makikita sa naturang Facebook page. Napakaganda talaga ng Pilipinas, hindi ba?

Loading…