Naranasan mo rin bang magpatong ng kamote sa sinaing?

  • Nagdulot ng nostalgia sa mga netizens ang isang larawan
  • Ipinakikita sa naturang larawan ang pagpapatong ng kamote sa sinaing
  • Marami sa kanila ang nagbahagi ng kanilang karanasan hinggil dito

Hindi mawawala sa ating mga Pilipino ang pagkahilig sa kanin at mga rootcrops na bahagi ng ating hapag-kainan. Kung wala nga namang kanin, maaaring maging kapalit o alternatibo rito ang kamote o sweet potatoes. At upang makatipid, nakatutuwa rin ang paraan ng pagluluto nito— isinasama na sa sinaing!

Iyan ang binalikan ng Facebook page na “OMG News” kung saan makikita ang isang larawang naghatid ng nostalgia sa maraming mga netizens. Ito ay ang pagpapatong ng mga kamote sa sinaing, na tipikal na ginagawa noon, at maaaring hanggang ngayon pa rin naman.

Imahe mula sa Facebook page na OMG News / Public Domain Image

Hindi naman naiwasan ng mga netizens, lalo na ang mga nakaranas nito, ang magsalaysay ng kanilang mga kuwento sa likod ng naturang larawan.

“Ang mga nakaranas ng hirap sure ko alam nila ‘yan, kami dati ang mga pagkaing kamote ay sinasapaw sa kanin, kami ng mga kapatid ko ay naranasan iyan,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Yes naranasan din namin ‘yan kung kulang na yung bigas na isasaing namin dinadagdagan namin ng kamote para magkasya sa amin.”

“Yes na yes… kapag konti pansaing namin noon, idagdag ‘yang kamoteng kahoy, kamoteng baging o saging na saba. Ngayon, maaarte na ang kabataan, hindi na yata nararanasan iyan,” wika naman ng isa.

Saad naman ng isa, “Sarap niyan naalala ko bigla nanay ko kasi ginagawa niya ‘yan noong mga bata pa kami kasi kulang bigas namin.”

Sanay ang mga Pilipino na ang pamalit sa kanin ay kamote, patatas, saging na saba, o mais, lalo na noong mga panahong napakahirap pa ang pamumuhay. Ang kamote ay maaaring kulay-lila, o kaya naman ay kulay-dilaw na mas kilala bilang kamoteng-kahoy. Masarap itong isawsaw sa asukal, ngunit sa iba, isinasawsaw ito sa bagoong isda na may kalamansi.

Public Domain Image

Bukod sa kamote at patatas, karaniwan ding inilalagay sa sinaing upang makatipid sa pagluluto ang itlog upang makabuo ng hard-boiled egg, gayundin ang binalatang saging na saba.

Tunay na madiskarte ang mga Pilipino!

Loading…