Natikman mo na ba ang “putong balanghoy?”

  • Nakatikim ka na ba ng putong balanghoy?
  • Iyan ang sinariwa ng mga netizens
  • Isa itong uri ng kakanin na gawa sa kamoteng kahoy

Nalalapit na ang paggunita sa “All Soul’s Day” at “All Saint’s Day.” Isa sa mga tradisyon ng mga Pilipino ang paghahanda ng mga kakanin. At kung kakanin ang pinag-uusapan, nakatikim na ba kayo ng “putong balanghoy?”

Iyan ang pinag-usapan ng mga netizens matapos ibahagi ng isang Facebook user na nagngangalang “Nishikinor Salilama Saban” ang mga larawan ng putong balanghoy. Natakam ang nakararami at nagbigay sila ng reaksyon at komento hinggil dito.

Imahe mula sa Facebook account ni Nishikinor Salilama Saban

“Favorite ko iyang kakanin na iyan.  Heto nga nagluluto ako, ang tawag namin diyan ay sinalab na kamoteng kahoy. Ang sarap. Walang toxin. Healthy pa!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “I know how to cook puto bulanghoy with grated coconut. It is still my favorite for breakfast and snacks. Also cassava cake and suman with crunchy bukayo.”

“Naku sa totoo lang masarap po ‘yan para sa akin sa umaga po at mainit na coffee po padalahan ninyo ako po kakainin ko po agad-agad po salamat po,” pabirong banat naman ng isa.

Pagbabahagi naman ng isa, “Do you remember putong balanghoy? One of Filipino’s most favorite desserts back in the decades. This Filipino kakanin brings back the memory of my childhood days. Puto Balanghoy is made of grated cassava roots or also known as yuca or arrow roots in other countries. It is cooked with grated coconut and brown sugar.

Sa paggawa ng putong balanghoy, kinakailangang ihanda ang sumusunod na mga sangkap o rekados: kalahating tasa ng asukal na pula o brown sugar, i pirasong kinayod na niyog, i kilong grated cassava, 1 tasang tubig,  1 lata na may sukat na 300ml condensed milk, 1/3 tasa ng toasted desiccated coconut, at 1 tasa ng shredded young coconut meat.

Public Domain Image

Para sa paghahanda, paghaluin sa mixing bowl ang asukal na pula, grated coconut at cassava.
Maglagay ng 3/4 tasa ng cassava mixture sa bao ng niyog, maglagay ng  ginadgad na niyog at balutan ng aluminum foil. Lutuin ito sa pamamagitan ng steaming sa loob ng 15 minuto.

Para sa toppings, pagsama-samahin ang condensed milk at kakang gata sa isang maliit na kawali. Lutuin ito sa pamamagitan ng katamtamang init, halu-haluin, hanggang sa maging malapot at matamis. Ilagay ang mixture sa ibabaw ng balanghoy. Maaari ding lagyan ng pinipig upang magkaroon ng crunchy texture.

Ang sarap, hindi ba?

Loading…