Netizen ‘gumawa’ ng 2000-peso bill na may mukha ni Miriam Defensor Santiago

  • Namangha ang mga netizens sa 2000-peso bill
  • Ginawa ito ng isang tagahanga ng Miss Universe-Philippines na si Rabiya Mateo
  • May mukha ito ni Senador Miriam Defensor Santiago

Matapos madeklara ang Miss Universe-Philippines na si Rabiya Mateo na mas kilala bilang “Miss Iloilo,” gumawa ang isang netizen ng isang digital artwork na nagpapakita ng 2000-peso bill na may mukha ng namayapang si Senadora Miriam Defensor Santiago o MDS.

Ibinahagi ito sa Facebook post ng netizen na si Michael Sarate, ang gumawa ng naturang 2000-peso bill artwork na may mukha ni MDS.

Ipinaliwanag niya sa kaniyang post ang kahulugan ng mga kulay at bagay na matatagpuan sa naturang pera.

Imahe mula sa Facebook account ni Michael Sarate

Si MDS daw ay ang “the best President we never had” at ang kulay na pula, na naging kulay rin niya noong siya ay nangangampanya sa pagkapangulo noong 2016, ay simbolo ng pagiging phenomenal woman ng senadora at kapangyarihan nito.

Ang Jaro Cathedral naman daw na kilala bilang landmark ng Iloilo City ay nagsisilbing saksi sa pagmamahal at debosyon ng mga Ilonggo sa Diyos. Ang hablon naman ay katutubong katad o hibla na matatagpuan sa naturang lungsod.

“RAFFLESIA SPECIOSA flora – one of Panay’s “Big 5” endemic species. MEDAL OF HONOR – award given to Sen. Santiago’s, was cited “for bold and moral leadership in cleaning up a graft-ridden government agency. SENATE OF THE PHILIPPINES – to honor the late senator’s love and great contribution to public service,” paliwanag pa niya.

Inspirasyon ito sa naging winning answer ni Mateo sa tanong na “”If you will create a paper currency with the image of any Filipino on it, dead or alive, who will it be and why?”

Na sinagot naman ni Miss Iloilo na “If I will be given the chance, I will use the face of Miriam Defensor-Santiago. For those who don’t know, she was an Ilongga, but what I admired about her is that she used her knowledge, her voice to serve the country. And I want to be somebody like her, somebody who puts her heart, her passion into action, and after all, she is the best president that we never had.”

Public Domain Image

Disclaimer ni Sarate, ito ay katuwaan lamang naman daw at hindi dapat seryosohin. Wala namang naging pahayag ang Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP kung nagustuhan nila ito, at maaaring bilhin nila ang rights o karapatang-ari sa disenyo ng naturang 2000-peso bill.

Loading…