Netizen, hanga sa kabaitan ni Angel Locsin

Imahe mula sa Facebook | Angelica Santos
  • Ikinatuwa ng isang netizen nang makita niya si Angel Locsin sa labas ng isang simbahan kamakailan
  • Ibinahagi niya ang larawan ng aktres sa Facebook ngunit marami ang nang-body shame dito
  • Tila sumagot naman ang aktres dahil nag-post siya ng bahagi ng lumang interview kung saan sinagot niya ang mga body shamer

Labis na napahanga ang isang netizen sa aktres na si Angel Locsin nang makita niya ito sa personal kamakailan.

Imahe mula sa Facebook | Angelica Santos

Kuwento ni Angelica Santos sa isang Facebook post, nagsimba sila ng kaniyang kaibigan sa Our Lady Grace Church sa Caloocan nang maabutan si Angel na nagte-taping doon. “Sabi niya sa amin, ‘Hi po. Sorry, sandali lang po ha.'”

Agad naman na nag-viral ang post ni Angelica na ngayon ay may 3.1k reactions at 9.7k shares na.

Marami ang pumansin sa walang kupas na ganda ni Angel ngunit marami rin ang nang-body shame sa kaniya. Naka-relate naman dito ang uploader kaya agad niyang dinepensahan ang Darna star.

“Mahirap ma-body shame kasi hindi nila alam ‘yong dahilan kung bakit kami tumataba. So, ang message ko na lang sa kanila, huwag na lang sana kayong mag-comment kung ‘di rin maganda,” sabi ni Angelica sa isang panayam sa News 5.

Imahe mula sa Instagram | Angel Locsin

“Hindi naman namin kailangang mag-explain sa tao kung bakit kami ganito. Sana kung paano ninyo tanggapin ‘yong mga sexy, ganoon din ‘yong pagtanggap ninyo kay Angel Locsin. Katawan lang niya ang nagbago, pero hindi ang pagkatao niya,” dagdag niya pa sa parehong panayam.

Taong 2019 nang ibahagi ni Angel sa panayam sa Tonight with Boy Abunda na nakararanas siya ng weight gain dahil sa disc bulge.

Kahapon ay ibinahagi rin ni Angel ang bahagi ng panayam sa nasabing programa.

“May mga bagay kasi na hindi mo dapat gawin sa kapwa mo. Kung ang taong ito comfortable siya sa ginagawa niyang ‘yan, ayaw ko mag-deal sa mga ganoong klaseng tao. Kasi sad ang life niya. Kasi ako, wala akong problema. Bakit ikaw ang dami mong isyu? Ako nga, walang isyu, eh. Katawan ko ‘to, ako ‘to, sarili ko ‘to. ‘Eh, ikaw, okay ka ba?'” sabi niya.

Source :

Facebook, News 5

Loading…