Netizen na “batang 60s” may mensahe para sa kabataan ngayon

  • May open letter ang isang batang 60s sa kabataan ngayon 
  • Huwag daw agad susuko sa mga hamon ng buhay
  • Kung tutuusin, mas madali na nga lamang daw ngayon ang pag-access sa maraming bagay

Isang “batang 60s” ang nagbigay ng mensahe para sa kabataan ngayon, na maituturing na nasa “generation Z” na nasa anyo ng isang open letter, kalakip ang isang larawan ng gasera o home-made kerosene lamp na usong-usong gamitin noon, lalo na sa mga kabahayang wala pang kuryente o ilaw na nagmumula sa bombilya at fluorescent lamp.

Makikita sa Facebook post ng netizen na si Rex Baleña na pinamagatan niyang “To You, Dear Young Learners” ang kaniyang mensahe para sa kabataan ngayon, lalo na’t humaharap ang bansa at buong mundo sa hamon ng pandemya, at halos lahat ay kailangang maka-adapt sa “Bagong Normal.”

Imahe mula sa Facebook account ni Rex Baleña

“TO YOU, DEAR YOUNG LEARNERS: Back in the 60s, I was literally burning the midnight kerosene lamp while studying my elementary lessons. Mosquitoes were all over me. This happened almost every night. And this was on top of the daily chores that I must do for the family,” aniya.

“Back then, we were simply obedient, enthusiastic, industrious, and happy. We had nothing to compare ourselves to, so we simply lived and enjoyed with whatever we had, not asking for things we knew our parents could not have. Back then, it seems, we knew God!” dagdag pa niya.

Pangwakas na talata, “Here is to let you understand the kind of life your old mentors have gone through just to pass some good lessons to you.”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“That’s a pure hardwork. It’s funny to think how the transition from lamp to Zoom lessons these days. There’s a generation gap, but I still put a high respect to those people who extracted information from books without relying from Google, Wikipedia or whatever internet related resources,” sabi ng isa.

Public Domain Image

Turan naman ng isa, “Today, it’s easy to copy paste. It’s easy to Ctrl+v. Technology make things quicker, but sometimes it makes people lazier. I’m a Gen-Z, but I still prefer the classics. Kudos to you!”

“Correct… wala ‘yan sa mga pinagdaanan ng lolo/lola natin nong 60s, 70s, makapag-aral lamang… ngayon mga bata gusto ayaw na mahirapan at di na marunong maghanap ng solusyon sa simpleng problema,” saad naman ng isa.

Nasabi ito ng netizen dahil sa masyado na raw “outspoken” ang kabataan ngayon; na kaunting hirap lamang ay marami na agad nasasabi at mabilis panghinaan ng kalooban sa pagharap at paghahanap ng solusyon para sa kanilang kinahaharap na problema.

Source :

Facebook

Loading…