Mag-asawa nabahala! Artistahing sampaguita vendor, nagbebenta hanggang 11 ng gabi

Image by Honney RJ Balasabas via Facebook
  • Napakagandang dalaga, nagbebenta ng sampaguita kahit alas onse na ng gabi
  • Nabahala ang mag-asawang Honney at Onnie dahil baka may mag-take advantage dito
  • Panalangin ni Honney, sana’y laging ligtas ang dalaga sa daan at may pamilya pang gumagabay

Gayun na lamang ang pagkamangha ng netizen na si Honney RJ Balasabas nang makita ang isang napakagandang dalaga na nagbebenta ng sampaguita sa daan; artistahin kasi ang mukha nito. Kaya lamang, nabahala siya nang malamang nagbebenta pa ito kahit mga alas onse na ng gabi, baka kasi may mag-take advantage.

Image by Honney RJ Balasabas via Facebook

Pagkukuwento ni Honney, nasa biyahe sila ng asawang si Onnie at busy siya sa kafe-Facebook nang ituon ng huli ang pansin niya sa batang papalapit.

“Nay, tingin ka dali. Napakaganda ng batang ‘yan. ‘Yung papalapit,” ani Onne at naintriga siya yamang siyang asawa at si Angel Locsin lamang umano ang sa tingin niya’y maganda sa paningin ng asawang madalang magsabi ng maganda.

Hindi umano maaninag ng misis ang mukha ng dalaga nang una dahil madilim at wala ang kanyang salamin kaya’t binuksan ng mister ang window. Dito, namangha na siya sa kagandahan ng sampaguita vendor at kinukunan pa ng larawan pero hindi ito tumitingin.

Sa usapan nina Onnie at ng dalaga’y hindi na sana kukunin ng lalaki ang P100-halaga ng sampaguita pero mapilit ang isa.

Naikuwento ng mister, habang sila’y nasa biyahe, na ilang beses na niyang nakikita ang dalaga at minsan pa nga’y kahit alas onse na ng gabi – maulan man o hindi – at nababahala sapagkat maraming loko-loko sa ganoong oras.

Kinabukasan ay muli silang dumaan sa lugar na pinagbebentahan ng dalaga at nakita nga nila itong muli.

“Napakanda nga n’ya pala talaga,” sabi ni Honney, pero very shy umano ito. Ipinaalam nito sa dalaga na kukunan niya ito ng larawan at ngumiti na nga. Sa pagkakataong ito ay hindi na niya ipinagpilitan pang ibigay ang P100-halaga ng sampaguita. Hindi talaga masyadong gusto ng lalaki ang amoy ng sampaguita, sadyang may malasakit lamang daw sa kapuwa.

Image by Honney RJ Balasabas via Facebook

Nanalangin na lamang ang misis na sana’y mayroon pang pamilya ang dalaga na siyang gumagabay sa kanya, at maaaring ito’y nakabantay habang nagbebenta ito at may bahay na inuuwian pagkatapos magbenta.

Gayundin ang dasal niyang sana’y ligtas lagi ito at walang magte-take advantage.

Bumuhos naman ang papuri sa kagandahan ng dalaga at marami ang umaasang mapansin siya ng mga talent scouts at gawing artista. Marami ding nag-tag sa KMJS o Kapuso Mo Jessica Soho na sana’t matulungan ang bata at pamilya nito upang hindi na ito lumalabas lalo na sa gabi.

Image by Honney RJ Balasabas via Facebook
Source :

Facebook

Loading…