Kulang ng isang slice! Netizen nagrereklamo sa binili, ipinalinis na isda

Image by Relivic Gelle Taladtad via Facebook
  • Binili at ipinalinis na isda ng netizen, binawasan ng isang slice
  • Ayon kay Relivic Gelle Taladtad, ang mahal mahal pa ng biniling isda
  • Babalikan sana niya ang tindera kaso hindi ganoon kadali para sa kanya ang makapunta sa palengke

Marketing strategy na ng mga tindera ang libreng paglilinis sa mga isdang ibinebenta, pero, papaano kung ang isdang binili at ipinalinis ay binawasan pa pala ng isang hiwa? ‘Yan ang daing ng netizen na si Relivic Gelle Taladtad.

Image by Relivic Gelle Taladtad via Facebook

Pagkukuwento ni Relivic sa Facebook, bumili siya ng yellow fin tuna sa palengke na siyang uulamin nilang mag-anak, kanya itong ipinalinis sa tindera kaya lamang, pag-uwi niya ay napansin niyang kulang ito ng isang hiwa.

Babalikan sana niya, aniya, ang nagtitinda yamang mahal pa ang presyo ng binili pero malayo kasi ang kanilang lugar. Nakatira sila sa isang pulo o isla at hindi ganoon kadali ang makabalik sa palengke.

Kaya’t kanya na lamang napagdesisyunang ibahagi ang karanasan sa social media, kasabay ang panawagan na maging tapat sana ang mga nagtitinda.

“Mabuti sana kung malapit lang kami, eh dito pa kami sa pulo. Babalikan ko sana ‘yung nagtitinda. Ang mahal mahal na nga, dudugasin pa. Sana po pagsabihan n’yo naman ‘yung mga tagalinis ng isda na maging honest naman sila.”

Umani ng samu’t-saring reaksyon sa social media ang kuwento ni Relivic, at marami ang nagsabing nakaranas na rin silang maloko sa palengke kaya’t marapat na pag-ibayuhin ang pagiging alerto.

Image by Relivic Gelle Taladtad via Facebook

Saad ng isa, “Naranasan ko ‘yan. ‘Di ba magbabayad ka, binigay mo ‘yan pagtingin nila na nagdudukot ka sa pitaka mo, sa sampu na bawas isa. May pang-ulam na o isang kilo na rin.”

May nagsabi naman ng: “Dapat ‘yan maalisan ng puwesto sa palenge.”

Komento naman ng iba pa, “Kaya mahirap ‘yung hindi natin nakikita ‘yung mismong binili natin. Dati ‘yung tilapia, ang lalaki nung pinili ko, nung nilinis lumiit. Mukhang sindikato ‘yun. Sobra naman. Binayaran mo ng tama tapos ang binigay sa’yo hindi tama.”

Image by Relivic Gelle Taladtad via Facebook

Loading…