Netizen nilibre ng Jollibee ang batang namamalimos na hindi pa nakakakain

Image by Jj Villareal via Facebook
  • Batang namamalimos sa harap ng Jollibee, nilibre ng isang Facebook user
  • Hindi pa raw nakakakain ang bata nang mga sandaling iyon
  • Labis-labis naman ang pasasalamat ng bata

Nakatutuwang malaman na sa gitna ng nararanasan nating krisis sa panahon ngayon ay marami pa rin ang may malasakit sa kapuwa at nakahandang magbigay para sa mga nangangailangan; kagaya ng isang netizen na nanlibre ng Jollibee meal sa isang batang namamalimos.

Image by Jj Villareal via Facebook

Nag-trending sa Facebook ang ginawang pagtulong ni Jj Villareal sa bata sa harap ng sikat na fastfood chain.

Pagkukuwento ng Good Samaritan, nakita niya raw ang bata habang siya ay nakapila para bumili ng pagkain para sa kanilang pananghalian yamang kaarawan ng kanyang tito. Lumapit ang bata na nagpapabili ng 1 piece chicken, kanin at coke at sinabing hindi pa raw ito nakakakain.

Pinagbigyan naman ng netizen ang hiling ng bata pero humirit pa ito ng family size dahil pito raw sila sa pamilya kasama ang tatay at nanay niya; birthday rin ng kapatid niya.

Nais man niya itong tupdin, kulang na ang pera ni Jj kaya’t sinabihan ang bata na bilhan na lang siya ng karagdagang fries para sa kapatid na sinang-ayunan naman ng huli. May babae naman sa likuran nila na nagsabing bibilhan pa niya ang bata ng isa pa.

Lumabas na ang bata kalaunan at hinintay siya sa labas. Paglabas ni Jj, ibinigay niya ang pagkain na pinasalamatan naman ng huli na humiling ng tsinelas; binigyan niya ito ng pera sabay hiling ng selfie silang dalawa.

Image by Jj Villareal via Facebook

Humirit uli ang bata para malaman ang Facebook account ng kausap para mai-add sa Facebook; may social media account umano ang bata na nakiki-online sa cellphone ng iba.

Umalis na si Jj at iniwan ang batang naghihintay sa libre naman ng isa pang nangako sa kanya.

Sabi ni Jj: “Lord, ingatan n’yo po ang mga nasa lansangan na namamalimos. Bata man o matanda. ‘Di ako mayaman pero ‘pag meron ako, handa ako magbigay kahit konti.”

Source :

Facebook

Loading…