Non-essential travels palabas ng bansa papayagang muli simula sa October 21

Imahe mula sa PNA
  • Papayagan na ng IATF ang mga non-essential travels palabas ng Pilipinas
  • Ito ay magsisimula sa darating na Miyerkules, Oktubre 21
  • Kailangan namang sumunod sa NTF guidelines ang mga magbabalik sa bansa

Papayagan nang makalabas ng bansa ang mga Pilipino para sa kanilang leisure o non-essential travel simula sa Oktubre 21; ito ang ibinahagi ni Presidential Spokesperson Harry.

Sa isang pahayag sa PTV-4 nitong Biyernes, sinabi ni Roque na tatanggalin na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang ban sa mga non-essential travel base sa kanilang napag-usapan noong Huwebes.

Imahe mula sa PCOO

Subalit para makabiyahe, kailangang mayroon dalang negative antigen test results, confirmed plane tickets, at health at travel insurance ang bawat pasahero.

“They may be allowed to leave the country subject to the submission of confirmed roundtrip tickets and adequate travel and health insurance for those traveling in tourist visas, execution of an immigration declaration acknowledging the risks involved in traveling and a negative antigen (test) result taken within 24 hours before departure, subject to the Department of Health (DOH) guidelines,” paliwanag ni Roque.

Para naman sa mga magbabalik sa Pilipinas, kailangang sundin ang guidelines laban sa COVID-19 na itinakda ng  National Task Force para sa returning OFWs. Kabilang na rito ang pagsasailalim sa 14-day quarantine at swab testing.

Imahe mula sa Facebook

Ito ay applicable umano maging sa mga ‘nagmamahalan’ na nais bumiyahe bilang turista sa ibang bansa.

“‘Yung mga Pilipino na merong mga fiance at mga iniibig sa ibang bansa, pupuwede n’yo na po silang dalawin doon sa ibang bansa,” pagbibiro pa ng opisyal ng Malakanyang.

Sinuspendi ng pamahalaan ang pagbiyahe ng mga Pilipino noong nakaraang Marso dahil sa coronavirus pandemic.

Pansamantala itong ibinalik noong Hulyo subalit muling sinuspendi dahil sa kabiguan ng ilang insurance companies na sumunod sa kondisyong inilatag ng gobyerno.

Loading…