“One-seat-apart” rule ipinatutupad na sa mga pampublikong sasakyan

Imahe mula sa PNA
  • Inaprubahan ng Cabinet members ang mga rekomendasyon ng economic team ng Duterte administration para sa pagpapasigla ng ekonomiya
  • Isa sa mga rekomendasyon ay ang one-seat-apart rule sa mga pampublikong sasakyan
  • Inalis na ang patakarang one-meter distancing para mas maraming pasahero ang makasakay sa public transportation

Hindi na isang metro, kundi one seat apart na lang ang kailangang espasyo o distansya sa pagitan ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan.

Imahe mula sa CNN PH

Ang mas maliit na espasyo sa pagitan ng mga pasahero ay isa sa mga rekomendasyon ng economic team ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa layuning pasiglahin ang nalugmok na ekonomiya ng bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Naaprubahan ang one-seat-apart rule sa isinagawang Cabinet meeting noong Martes, October 14.

“Inaprubahan po ng Gabinete na sa pampublikong transportasyon, one-seat-apart na po ang distansya,” pahayag ni Presidential Harry Roque sa isang virtual press briefing.

Aniya, simula lang ang one seat apart na patakaran dahil unti-unti ay patataasin ng pamahalaan ang papayagang seating capacity sa mga pampublikong transportasyon hanggang sa makaupo ang mga pasahero nang magkakatabi basta may plastic barrier.

“Magsimula sa pagkakaroon ng one seat apart at paunti unting pataasin ang seating capacity o payagan na makaupo na magkatabi basta may plastic barrier,” ani Roque.

Cabinet meeting/Imahe mula sa PNA

Sinabi pa niya na pinapayagan na rin ang mga provincial bus, shuttle bus, motorcycle taxi at ride-hailing services na makapagsakay ng mas maraming pasahero.

Ang seating capacity rin ng mga tren ay itinaas na sa 50 percent mula sa dating 30 percent.

Ipinaalala ni Roque na kailangan pa ring sundin ng publiko ang mga minimum health and safety measures para sa public transportation upang matiyak ang kaligtasan ng lahat tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, bawal magsalita at kumain, pagkakaroon ng sapat na ventilation, disinfection ng sasakyan at bawal sumakay ang may sintomas ng COVID-19.

Imahe mula sa Benar News

Loading…