Online shopper na umorder ng cellphone, dalawang piraso ng kahoy ang natanggap

Imahe mula sa Twitter ni Isay Reyes/ABs-CBN News
  • Dismayado ang isang online buyer na umorder sa inaakalang lehitimong seller sa Lazada
  • Sa halip kasi na cellphone ay dalawang piraso ng kahoy ang kaniyang natanggap
  • Nangako naman ang Lazada na iimbestigahan ang pangyayari

Dismayado ang isang netizen na umorder sa isang online platform dahil imbes na cellphone ang matanggap ay dalawang pirasong kahoy ang nasa loob ng package.

Sa ulat ni Isay Reyes para sa ABS-CBN News, umorder umano ng cellphone sa Lazada si Ms. Ha na gagamitin niya sa kaniyang negosyo. Tiniyak pa niyang sa LazMall mismo siya pumili ng items dahil inaakalang lehitimo at verified ng Lazada ang mga seller dito.

Screenshot mula sa Twitter video ni Isay Reyes/ABS-CBN News

Subalit laking gulat ni Ms. Ha na hindi cellphone kung hindi mga retaso ng kahoy ang idinilever sa sa kaniya.

Hindi naman daw siya nagduda nang dumating ang package dahil mabigat naman ito at nakabalot nang maayos. Pero nang buksan na niya ito ay dalawang bloke ng  kahoy ang nasa loob ng box.

“When I received it, it was heavy and it felt that there were 2 boxes inside. That time I did not know those were wooden blocks,” kuwento ni Ms. Ha.

Agad niyang tinawagan ang delivery rider na nagulat din sa laman ng mga box. Inalok din ng courier na ibalik na lamang ang perang ibinayad ng buyer na nagkakahlaga ng P4,398.

Maging ang courier ay hindi rin makapaniwala sa pangyayari dahil hindi niya rin umano inaasahan ang mga ganitong insidente lalo pa’t matagal na rin siyang nagdedeliver para sa Lazada.

Imahe mula sa Twitter ni Isay Reyes/ABS-CBN News

Samantala, nakipag-ugnayan na sa Lazada si Ms. Ha para ireklamo ang seller. Aniya, “I felt betrayed definitely because as what is written in the LazMall policy they say that its 100% authentic but when I received it, I felt scammed and I was shaking.”

Humingi naman ng paumanhin ang Lazada at nangakong imibestigahan ang pangyayari.

“Lazada is aware of a current order transaction circulating on social media, and we are in contact with the customer to resolve the situation,” ayon sa pahayag ng popular na online shopping platform.

“We take all feedback seriously and wish to thank the community for bringing this to our attention. Together, we can safeguard a safe online shopping space for everyone,” dagdag pa nito.

Loading…