Pasig River Ferry Service balik operasyon na matapos isuspinde dahil sa kapal ng water hyacinths

Screenshot mula sa MMDA video
  • Pasig River Ferry Service sinuspinde dahil sa kapal ng water hyacinths sa Pasig River ngunit balik operasyon na makalipas ang dalawang araw
  • Lima hanggang pitong dump truck ng water hyacinths ang nakokolekta ng MMDA mula sa Ilog Pasig kada araw
  • Ang mga water hyacints ay dinadala sa drying area kung saan ito kinukuha ng mga LGUs at NGOs para sa kanilang livelihood programs

UPDATE: Makalipas ang dalawang araw na suspensyon ng operasyon ng Ferry Service ay muli itong bumiyahe noong Huwebes, October 8, ngunit sa maikling ruta lamang – mula sa Pinagbuhatan, Pasig hanggang sa Sta. Ana, Maynila.

Pansamantalang sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang operasyon ng Pasig River Ferry Service kamakailan dahil sa dami ng water hyacinths na bumabalot sa kahabaan ng ilog na sagabal sa maayos na biyahe ng mga ferry boats.

Imahe mula sa MMDA Pasig River Ferry Service

Ang suspensyon ng biyahe ng mga ferry boats ay ipinatupad sa kabila ng paglilinis na ginagawa ng MMDA sa ilog Pasig. Gamit ang trash skimmer, trash boat, trash trap, at arm backhoe ay nakakokolekta ng lima hanggang pitong dump truck ng mga water hyacinths kada araw simula nang mag-tag-ulan.

Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, umabot na sa 7,235 cubic meters ang nahakot na water hyacinths mula July hanggang September.

Ang isang dump truck ay naglalaman ng 12 cubic meters ng water hyacinths, samantalang ang long dump truck ay naglalaman ng 32 cubic meters.

“Pasig River is 27 kilometers long, though we don’t have specific kilometers of how many of these areas have water lilies. The situation in every Pasig River station is different,” ani Pialago.

Imahe mula sa MMDA

Ang mga nakokolektang water hyacinths sa Ilog Pasig ay dinadala sa drying area kung saan hahakutin naman ito ng mga local government units (LGUs) at non-government organizations (NGOs) para magamit sa kanilang livelihood program.

Sabi ni Pialago, walang ginagastos ang mga LGUs at NGOs sa pangongolekta at pagpapatuyo ng water hyacinths. Kailangan lang nila iyong hakutin.

Imahe mula sa MMDA

UPDATE: Makalipas ang dalawang araw na suspensyon ng operasyon ng Ferry Service ay muli itong bumiyahe noong Huwebes, October 8, ngunit sa maikling ruta lamang – mula sa Pinagbuhatan, Pasig hanggang sa Sta. Ana, Maynila.

Imahe mula sa MMDA Pasig River Ferry Service

Loading…