Orig kikay girls, walang kupas! Viva Hot Babes hataw sa Tiktok video

Image by Sheree Vidal Bautista II via Facebook | Image from TikTok video by Viva Hot Babes | Image capture from video shared by Ang Elo via Facebook
  • Original members ng girl group na Viva Hot Babes, nagsama-sama para sa isang dinner party
  • Gumawa sila ng TikTok video na kagyat na nag-trending
  • Sabi ng netizen: “Iba talaga ‘pag mga original! Go girls!”

Kabilang ang girl group na Viva Hot Babes sa mga grupo ng kababaihan na talaga namang pinakaaabangan ng maraming tagahanga partikular ng mga kalalakihan, magaganda at sexy kasi ang mga miyembro nito at talaga namang catchy at kung minsan ay kontrobersyal ang tema ng kanilang mga kanta’t sayaw.

Image by Sheree Vidal Bautista II via Facebook

Nag-trending ang reunion ng mga original members ng girl group kamakailan. Gayundin ang TikTok dance video na napagkasunduan nilang gawin sa saliw ng kantang “Sayaw Kikay”; isa sa mga kantang pinasikat nila.

Kabilang sa mga nasa reunion sina Andrea Del Rosario, Gwen Garci, Jaycee Parker, Katya Santos, Maui Taylor, Sheree Bautista at Zara Lopez.

Habang ibinabahagi ito ay nakakuha na ng higit 1.9-million views, tinatayang 26,000 reaksyon at nasa 30,000 pagbabahagi ang kanilang TikTok video na ibinahagi ni Ang Elo sa Facebook. Marami naman ang nagkomento at sinabing wala pa ring kupas ang angking husay ng grupo sa pagsasayaw.

“Wow, halos kumpleto sila, nakakatuwa lang panoorin feeling ko tuloy ang bata ko pa!” ang saad ng isa. Post naman ng isa pa, “Iba talaga ‘pag mga original! Go girls! Ang galing parin po ninyo.”

Samantala, nagbahagi naman si Sheree kaugnay sa kanilang reunion kung saan ay nagsama-sama sila sa isang dinner. May nabanggit din siya patungkol sa panayam na naganap.

May bago ba silang proyekto?

Aniya, “It was so nice seeing you guys! Andrea Del Rosario Maui Anne Taylor Katrina Santos Zara Lopez JC Aguas Thank you for arranging this Gwen See Thank you to our super bait friend Caloy Sario.”

Sabi ng isang netizen, “Wow, nice to see you reunite. Beautiful and talented female icons of the century. Look forward to your new projects soon.”

[Click the image below to watch the video by Viva Hot Babes ]

Click the Image to watch the video by Viva Hot Babes

Binuo noong 2003 ni Vic del Rosario Jr. ang grupo na pinangungunahan nina Maui, Katya at Andrea. Kabilang ang mga kantang “Bulaklak” noong 2003 at “Basketbol” noong 2004 sa nagpasikat sa kanila.

Sa ngayon ay aktibo pa rin ang Viva Hot Babes sa entertainment scene.

Image by Sheree Vidal Bautista II via Facebook

Loading…