Otsenta porsyento ng halos P40 billion kickback sa “pastillas scheme” sa masterminds napunta

Imahe mula sa Bureau of Immigration
  • Eighty percent ng halos P40 billion kickback na nakulimbat ng mga tiwaling immigration officers napunta sa mga masterminds
  • Isiniwalat ni Sen. Risa Hontiveros na batay sa impormasyon ng whistleblowers, ang mag-amang Maynardo at Marc Red Mariñas ang utak ng “Pastillas scheme”
  • Ang modus ng mga tiwaling BI officers ay tinawag na “pastillas” dahil ang perang suhol mula sa mga dayuhan ay ibinabalot sa papel at inirorolyo na parang kending pastillas

Isiniwalat ni Senator Risa Hontiveros na sa mga masterminds ng “pastillas scheme” ng Bureau of Immigration (BI) napunta ang 80% ng kickback na nakolekta nila mula sa mga Chinese nationals na pumapasok sa bansa.

Screenshot mula sa video ni Sen. Risa Hontiveros via Facebook

Ang mga banyaga ay binibigyan ng special treatment kapalit ng P10,000 “service fee.”  At kung may criminal record sa pinanggalingang bansa ang Chinese national ay P50,000 hanggang P200,000 ang suhol na hinihingi ng mga tiwaling immigration officers.

“A small part, estimated at 20% was used to distribute to the foot soldiers and the supervisors including ‘yung mga Viber administrators nila but the lion’s share, estimated 80%, we believe went to the bosses, the masterminds,” pahayag ni Sen. Hontiveros sa isang panayam.

Batay sa mga impormasyon mula sa mga whistleblowers, sinabi ng senadora na ang mag-amang sina Maynardo Mariñas at Marc Red Mariñas ang diumano’y mga utak ng pastillas scheme.

Si Red ang dating hepe ng BI Ports Operations Division samantalang pinamumunuan naman ng tatay niyang si Maynardo ang Special Operations Communications Unit.

Imahe mula kay Sen. Risa Hontiveros

“This was a clear case of conflict of interest. Pinahina ‘yung checks and balances between those two offices, one on top of the other, na nagma-manage ng pag-process, approve, at issue ng visas upon arrival. Ito rin apparently ang naging efficient na business model para bigyan ng order, sistema ang pastillas scheme. Ginamit nila mismo ‘yung BI to institutionalize — not service to travelers outbound and inbound — but to generate this illegal money,” pagsisiwalat ni Sen. Hontiveros.

Ang modus ng mga tiwaling BI officers ay tinawag na “pastillas” dahil ang perang suhol mula sa mga dayuhan ay ibinabalot sa papel at inirorolyo na parang kending pastillas.

Imahe mula kay Sen. Risa Hontiveros
Source :

MSN, Bombo Radyo

Loading…