DepEd mayroong 166 brand new Mitsubishi Strada

Image by Rebecca Benetez via Facebook
  • DepEd may 166 bagong sasakyan na nagkakahalaga ng tinatayang P1.5-M bawat isa
  • Maliban dito’y mayroon nang naunang 88 trucks na nabili ang kagawaran Disyembre noong nakaraang taon
  • Gagamitin din ang mga sasakyan bilang rescue trucks ng NDRRMC sa panahon ng sakuna

Habang patuloy ang mga hamon sa larangan ng edukasyon ngayong may pandemya, bumili ng 166 panibagong sasakyan ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na siyang magagamit sa regular field inspection ng mga field engineers nito.

Image by Rebecca Benetez via Facebook

Nagkakahalaga ng P1,465,000.00 bawat isa ang presyo ng Mitsubishi Strada 4×4 GLS MT, ‘yan ay batay sa datos ng Top Gear Philippines kaugnay sa kasalukuyang presyo ng mga sasakyan sa merkado.

Ang mga sasakyan ay idineliber ng Mitsubsihi Motors Carworld Pampanga sa DepEd kamakailan. Ito’y iba pa sa naunang 88 trucks na idineliber naman Disyembre noong nakaraang taon. Samakatuwid ay nakabili ang departamento ng kabuuang 254 units ng sasakyan.

Pahayag ni DepEd Undersecretary Alain Del Pascua, “No school division office will be left behind, as we continue to gear up our actions, hold on the wheels of our goals, focus on our vision, and have a safe ride with our mission.”

Nabanggit naman sa Inquirer na ayon sa Mitsubishi Motors Philippines Corp. (MMPC) press release, ang mga bagong sasakyan ay magsisilbi ring rescue trucks ng National Disaster Risk Reduction Council (NDRRMC) sa panahon ng emergency o kalamidad.

Image by Rebecca Benetez via Facebook

Naghayag si LausGroup of Companies President Mr. Paul Laus ng kagalakan sa pagkapili sa kanilang serbisyo.

“We are honored to have been selected as the official vehicle of the Department of Education. We guarantee the government agency that the Strada is a very reliable pick-up truck that is built to be durable and engineered to deliver outstanding performance. Mitsubishi Carworld Pampanga is also committed to provide excellent service for the regular maintenance of the vehicles,” aniya.

Image by Rebecca Benetez via Facebook

Loading…