Pagbubukas ng ekonomiya makatutulong para makabalik sa private schools ang mga estudyante – Sec. Briones

Screenshot mula sa RTVM video
  • Makatutulong sa mababang enrollment rate sa public school ang unti-unting pagbubukas ng ekonomiya
  • Ang mga magulang na nawalan ng trabaho ay muling makapaghahanapbuhay kaya magkakaroon muli sila ng kakayahang pag-aralin sa private schools ang mga anak
  • Kalahati lang ng bilang noong nakaraang school year ang mga estudyanteng nag-enroll ngayon sa private schools

Ipinahayag ni Department of Education Secretary Leonor Briones na makatutulong nang malaki ang dahan-dahang pagbubukas ng ekonomiya upang matugunan ang mababang enrollment rates sa mga private schools.

Screenshot mula sa UNTV video

Sa pakikipagpulong niya kay Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes, October 5, sinabi ni Sec. Briones na maraming magulang na nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya ang makababalik sa trabaho sa muling pagbubukas ng ekonomiya kaya muli silang magkakaroon ng kakayahan na pag-aralin sa pribadong paaralan ang mga anak.

Lubos umanong naapektuhan ang mga pribadong paaralan dahil sa mga lockdown na ipinatupad sanhi ng COVID-19 pandemic.

Anang kalihim, 2.1 million lang ang nag-enroll sa mga private schools para sa school year 2020-2021 – kalahati lang ito ng bilang noong nakaraang school year.

“At dito natin makikita, Mr. President, ang maliwanag na koneksyon ng ekonomiya at ng edukasyon dahil ‘yung maraming walang trabaho hindi na sila maka-afford ng pag-aaral sa private schools samantalang sa public schools ay halos 100 percent ang enrollment rate,” aniya.

Imahe mula sa TNN

Bukod sa private schools, naapektuhan din umano ang alternative learning system dahil ang mga estudyante roon ay mga part-time workers na nawalan ng trabaho dahil sa pandemic.

Ipinahayag naman ni Pangulong Duterte na ang COVID-19 pandemic ay hindi magiging hadlang sa edukasyon ng mga mag-aaral.

“Indeed, nothing can get in the way of the instruction and formation of our learners, not even pandemic,” aniya.

Ang school year 2020-2021 sa public schools ay nagsimula noong Lunes, October 5. Ani Sec. Briones, bago matapos ang taon ay magsasagawa ang DepEd ng formal assessment ng ipinatutupad na blended learning.

Imahe mula sa DepEd

Loading…