Pagnanais ng mga Pinoy na sumunod sa ‘contact tracing rules’ napakataas – SWS

Imahe mula sa IFRC/RCS
  • Masyadong mataas ang porsiyento ng mga Pinoy na gustong sumunod sa panuntunan ng contact tracing
  • Ito ang lumabas sa pinakahuling survey ng SWS na isinagawa noong Setyembre gamit ang mobile phone
  • Mas mataas pa umano ito kumpara sa survey na isinagawa sa Estados Unidos

Napakataas ng kagustuhan ng mga Pilipino na sumunod sa panuntunan ng contact tracing na ipinatutupad ng pamahalaan; ito ang lumabas sa bagong survey ng Social Weather Station (SWS).

Ayon sa survey na isinagawa sa pagitan ng Setyembre 17 hanggang Setyembre 20, umabot sa 97 porsiyento ang payag na mag-self quarantine kapag nagkaroon sila ng contact sa isang infected ng COVID-19.

Imahe mula sa ABS-CBN News

Umabot naman sa 96 porsiyento ang payag silang ibigay ang lahat ng pangalan na kanilang nakasalamuha sakali mang mapgositibo sila sa virus. Budko dito, 93 porsiyento rin umano ang payag na ibigay ang data ng kanilang mga cellphone, habang 83 porsiyento naman payag na bulontaryong sumailalim sa weekly testing para malaman ang nangyayari sa kaniyang katawan.

“Willingness to comply with the 4 COVID-19 contact tracing efforts is extremely high in all areas,” ayon sa pahayag ng SWS.

Comparison sa US survey

Mas mataas pa umano ang lumabas na resulta sa Pilipinas kumpara sa Estados Unidos na 84 porsiyento lamang ang pumayag na magpaquarantin sa oras na may nakasalamuha silang COVID-positive.

Umabot lang din sa 76 porsiyento ang pumayag na ibigay ang listahan ng taong nakasalamuha nila; 59 porsiyento lang ang bulontaryong magpapasailalim sa weekly testing at 56 porsiyento lang ang pumayag na ibigay ang laman ng kanilang mga cellphone.

Imahe mula sa Newstalk

Ang survey ay isinagawa sa pamamagitan ng mobile phone at ginamitan ng sampling margin of error na +/-3 percent para sa national percentages, +/- 6 percent para sa Metro Manila, Visayas at Mindanao, at +/- 5 percent para sa Balance of Luzon.

Loading…