Pagod na: Sharon Cuneta sinabing nalalapit na ang kanyang pagreretiro

Imahe mula sa Instagram account ni Sharon Cuneta
  • Pagreretiro ni Sharon Cuneta nalalapit na
  • Sinabi ng Megastar sa mga Sharonians na pagod na siya
  • Hiling ng mga fans bago siya magretiro ay ituloy ang pelikulang muling pagtatambalan nila ni Gabby Concepcion

Ilang taon na ring nagpaparamdam ang nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta na magreretiro na sa mundo ng show business at kahapon ay muli na naman niyang ginulat ang mga Sharonians sa deklarasyon niyang nalalapit na ang kanyang pagreretiro.

Imahe mula sa Instagram account ni Sharon Cuneta

Noong Sabado, October 10, ay nag-post si Shawie sa Instagram ng isa niyang larawan na tila nahahapo na.

“Kids, it’s almost time. Mama’s tired. I love you!” ang text na nakasulat sa larawan. “On my way to retirement” naman ang caption ng post niya.

Mahigit 41 years na rin sa showbiz si Sharon bilang isang multi-awarded actress, record-breaking singer at concert performer, isang top-rated TV host at isa sa mga highest-paid endorsers sa bansa.

Taong 2015, habang nagbabakasyon sa Amerika, ay nabanggit na rin niya ang planong pagreretiro. Aniya, in 4 to 5 years ay magreretire na siya. Isa raw ang Amerika sa mga lugar kung saan niya gustong pumirmi.

At noong nakaraang taon ay muli niyang ibinahagi ang planong retirement sa showbiz.

Imahe mula sa Instagram account ni Sharon Cuneta

“Since last year l have seriously been thinking of semi-retiring. I am so very tired. It has been 41 years of work, work, work for me, and at some point, kailangan na rin sabihin sa sarili na “tama na,” post niya noong 2019 sa Instagram kalakip ng larawan nila ng anak na si Kakie Pangilinan habang magkayakap.

May hiling naman ang mga fans niya sakaling matuloy na ang magtagal nang binabalak na retirement.

Sabi ng mga fans, bago siya mag-retire sana matuloy na ang pelikulang muling pagtatambalan nila ng dating asawang si Gabby Concepcion.

Imahe mula sa Panay News

Loading…