Pagpapakabit ng RFID nagdulot ng matinding trapik; mga motorista dumagsa sa mga installation sites

Imahe mula sa Facebook
  • Nagdulot ng matinding traffic ang sabay-sabay na pagpapakabit ng RFID stickers
  • Dinumog kasi ng mga daan-daang motorista ang iba’t-ibang designated installation sites
  • Ito ay sa kabila ng pag-urong ng deadline hanggang December 1, 2020

Matinding trapik ang idinulot ng halos sabay-sabay na pagpapakabit ng RFID stickers ng mga motorista sa kabila ng pagpapaliban ng deadline na inaunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) hanggang sa susunod na buwan.

Dumagsa ang mga private vehicles sa mga itinalagang installation sites para sa Autosweep at EasyTrip RFID tulad ng NLEX Balintawak, Shell Magallanes, Quezon City Memorial Circle at iba pang mga designated gasoline stations.

Nauna kasing ianunsiyo na ipatutupad na ang cashless transactions sa mga expressways na pinatatakbo ng San Miguel Corporation at Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) simula Nobyembre 1.

Imahe mula sa Facebook

Ang Autosweep ay kailangan upang makadaan sa SMC-operated tollways tulad ng South Luzon Expressway (SLEX), NAIA Expressway (NAIAX), STAR Tollway, at Tarlac–Pangasinan–La Union Expressway (TPLEX).

Ang Easytrip naman ay kailangan sa mg MPC-operated tollways tulad ng North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Tarlac Expressway (SCTEX), Cavite-Manila Expressway (CAVITEX), Cavite-Laguna Expressway (CALAX), at C5 South Link.

Dahil sa perwisyong dulot ng trapiko, naglabas ng saloobin ang mga netizen sa bagong ipinatutupad na patakaran ng gobyerno.

“Hindi na naman pinag isipan ang pag avail ng mga sticker na ito ,ang gusto lagi pahirapan at magkumpulan, mag isip muna ho kayo mg pinaka madaling paraan kung paano madistribute ng maayos , sabik ba kayo makakita ng maraming tao at sasakyan?” ayon isang commenter.

Imahe mula sa PNA

“Abnormal na ung dami ng kumukuha ng RFID pero ung nagkakabit eh the same lang ng dami like ordinary days… e.g. sa mindanao exit ordinary day 3 lang tao nila pero saturday and sunday tatlo pa din? Ease of doing business doesnt apply to this multibillion co. And the TOLL REGULATORY BOARD can not do anything to protect the consumer,” wika naman ng isa pang netizen.

Ang iba naman ay sinisi ang mga motorista dahil ugali na daw talaga ng mga Pinoy na magdagsaan kung kalian malaptin na ang deadline.

Suhestiyon naman ng karamihan ay gawing online na lang ang application at pagbili para maiwasan ang ganitong pahirap bukod pa makakaiwas sa COVID-19.

Dahil dito, inanunsyo ng DOTr na inurong na muli ang deadline sa pagpakabit ng RFID stickers hanggang sa December 1.

“But, mind you, this will be the last time that we will be extending. No more extension beyond December 1,” babala ng DOTr. “Motorists who fail to conform to the government mandate will be apprehended and issued a citation ticket.”

Loading…