Pagsisikap kontra hirap! Bata tumutulong sa paghahanapbuhay para sa pamilya

Image by Paul V. Demillo via Facebook
  • Batang masipag, umaani ng papuri sa social media at may mga tumulong na
  • Umaga pa lamang ay maririnig na ang boses ni OG John Rei na sumisigaw ng “almusal”
  • “Merienda” naman ang sigaw nito sa hapon

Marami sa atin ang todo-reklamo sa mga ganap sa ating buhay, partikular na daing ang kahirapan. Ibahin ninyo ang isang bata na nagsusumikap at tumutulong sa paglalako ng pang-umagahan at meryenda kasama ang kanyang nanay.

Pagbabahagi ni Paul Demillo sa Facebook, palagi niyang nakikita ang batang si OG John Rei sa paglalako kasama ang kanyang nanay na may tulak-tulak na kariton. Umaga pa lamang umano ay naririnig na ang boses nito na sumisigaw ng “almusal” at “merienda” naman sa hapon.

Image by Paul V. Demillo via Facebook

Ani Paul, “Umaga pa lang tol, maririnig mo na boses nitong batang ‘to na huma-hustle. Sumisigaw ng “ALMUSAL!” Bitbit ang kung anu-ano mang panindang almusal na dala n’ya. Kasama nanay n’ya na tulak-tulak naman ang kariton dala ang iba pa nilang paninda.

“Sa hapon naman, mga “MERIENDA” naman ang sigaw n’ya. Bitbit ang mga paninda niyang meryenda.”

Kaya’t kung ‘yung bata ay gumagawa na ng paraan para bumuti ang buhay sa murang edad, anang netizen, ay makakaya ito ng lahat. Baka, dagdag niya, mas mahirap pa ito para sa bata kumpara sa iba na mas may karanasan na.

Siguro, saad nito, ang kahirapan ay likha lamang ng ating imahinasyon o “state of mind” at nakadepende na lang siguro sa atin.

“Tuloy-tuloy lang tayo sa paghakbang sa buhay, gaya ng ginagawa ni OG JR tuwing umaga at hapon bitbit ang mga paninda n’ya.”

Habang ipino-post ito ay nakalikom na ng tinatayang 2,300 reaksyon at nasa 1,300 pagbabahagi ang update. Marami ang pumuri sa bata at may mga nagpaabot ng tulong.

Wika ng isa, “Saksi ako sa napakasipag na batang ‘yan at ng kanyang nanay. Magkasama silang naglalako ng sari-saring paninda nila. Pagpalain kayo, malayo ang mararating mo kuya, pagpatuloy mo lang ang iyong kabutihan sa paggawa lalo na sa pagtulong sa iyong mga magulang.”

Image by Paul V. Demillo via Facebook
Source :

Facebook

Loading…