Pagtaas ng presyo ng karneng baboy posibleng may sabwatang nagaganap

Imahe mula sa UNTV
  • Iniimbestigahan ng DA ang pagtaas ng presyo ng karneng baboy sa mga pamilihan
  • Posible umano na may nagaganap na sabwatan sa hanay ng mga hog traders
  • Sinabi ni DA Sec. Dar na maraming stock ng karne sa mga cold storage sa buong bansa

Iniimbestigahan na ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang posibleng sabwatan na nangyayari sa hanay ng mga hog trades para pigilan ang paglalabas ng pork products sa mga pamilihan na nagreresulta sa pagtaas ng presyo ng mga ito.

Imahe mula sa Pinoy Nagbabagang Balita

Batay umano sa datos ng National Meat Inspection Service (NMIS), iginiit ng DA na may sapat namang imbentaryo o stock ng local at imported pork sa mga cold storage facilities na accredited ng NMIS.

Sa katunayan, ang inventory ng frozen pork, local at imported, sa mga NMIS-accredited cold storage sa buong bansa ay 38,216 metric tons as of third week ng October 2020. Mas mataas ito ng 55% kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ang stock naman ng frozen local at imported na dressed chicken at chicken parts ay 83, 266 metric tons. Mas mataas ito ng 260% kaysa noong nakaraang taon.

Ang mababang demand sa frozen meat ay nangangahulugan ng dalawang bagay, ayon kay DA Sec. William Dar – maaari umanong mas pinipili ng karamihan sa mga Pinoy ang sariwa o bagong katay na karne  o kaya naman ay pinipigil ng traders ang supply para makapagtaas sila ng presyo.

Imahe mula sa Department of Agriculture

“This slow drawdown or small demand for frozen meat indicates that most Filipinos  prefer ‘fresh’ or newly-slaughtered meat, or traders are holding off the supply to artificially jack up prices,” saad ni Agriculture Secretary William Dar.

Inaalam umano ng kagawaran ang mga dahilan kung bakit mabagal ang galaw ng frozen meat, samantalang tumataas naman ang demand sa mga ito dahil binuksan na ng gobyerno ang ekonomiya.

As of October 21, ang presyo ng kasim o pork ham ay umabot na sa P320 per kilo at ang pork belly o liempo ay nasa P360 per kilo na sa halos lahat ng palengke.

Imahe mula sa Bombo Radyo

Loading…