Palasyo muling ipinagtanggol si Sec. Villar: “Very-well educated, certainly above corruption”

Imahe mula sa Facebook
  • Muling ipinagtanggol ng Malakanyang si DPWH Sec. Mark Villar
  • ‘Very well-educated’ umano ito at talagang walang bahid ng katiwalian
  • Kasabay ito ng paglulunsad ng task force para silipin ang lahat ng ahensiya ng gobyerno

Muling ipinagtanggol ng Malakanyang si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar sa gitna ng inilunsad na inter-agency task force upang imbestigahan ang diumano’y katiwalian sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan.

Sa isang pahayag, iginiit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na walang dahilan para magduda ang Pangulo sa integridad ni Villar.

Imahe mula sa PCOO

“A view which I share and everyone in the Cabinet share. Unfortunately talaga, may kinalaman din talaga iyong abilidad ng tao para matukso ng korapsyon,” ayon kay Roque.

Dagdag pa ni Roque, napakayaman na ni Sec. Villar bukod pa sa well-educated ito.

“Pero kung ganito naman talaga kayaman naman kasi iyong Secretary, at alam nating very well-educated, educated in the best universities in the world, and mayroon ding untainted record as a public servant… talaga naman pong he is beyond doubt and he is certainly above corruption in DPWH,” wika pa ng tagapagsalita ng Palasyo.

Sa kabila nito, nasa kamay na umano ng task force kung ano ang magiging resulta ng kanilang imbestigasyon bagama’t malinaw daw ang opinyon ng presidente –  walang bahid ng kurapsyon si Villar.

Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Duterte na ang task force ay pangungunahan ng Department of Justice (DOJ) na siyang sisilip sa lahat ng departamento subalit ang focus umano ay ang DPWH.

Imahe mula sa DPWH

Muling nagpahayag ng pagkadismaya ang Pangulo sa patuloy na kurapsyon sa DPWH subalit iginiit nito sa ikalawang pagkakataon na hindi niya ito isinisisi kay Villar.

“I have nothing against Secretary Villar. [He’s] one of the hardworking (people in government) and he has many accomplishments. But you know accomplishments alone, to me, should not suffice,” ayon sa presidente.

Hindi naman daw talaga dapat trabaho ni Villar ang habulin ang mga tiwali sa kaniyang departamento subalit nais lang umano ng Pangulo na matigil ang kurapsyon doon.

Loading…