Pang. Duterte inatasan ang mga ahensiya na i-simplify lang ang pamamahagi ng ayuda

Imahe mula sa PNA
  • Inatasan ng Pangulo ang mga ahensiya ng gobyerno na simplehan lang ang pamimigay ng tulong
  • Hindi na raw kailangang pahirapan pa ang mga mamamayan lalo na sa mga pagkaing ipinamamahagi
  • Maaari umanong sampahan ng reklamo ang mga opisyal na susuway sa kaniyang utos

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ahensiya ng gobyerno na maaari silang ireklamo sa Ombudsman kapag naantala ang pamimigay ng tulong o ayuda sa mga pamilyang Pilipino.

Anang Pangulo, dapat ay simplehan lamang ito upang maging mabilis at hindi na nahihirapan pa ang mga tatanggap.

Screenshot mula sa RTVM Facebook video

“What I would like to happen is this: Simplify the giving of the money by asking for a proposal, then that proposal should not be studied by days or by months,” ani Duterte sa kaniyang pre-recorded speech na inere nitong Martes.

“You just review it and if it says that it’s for food, you give it because it’s for food, kakainin ‘yan. And all assistance connected with the health of a person,” wika pa ng Pangulo.

Maaari umanong masampahan ng kaso sa Ombudsman ang mga opisyal na hindi susunod sa kaniyang paalala.

“Pagka kayong may mga complaint, oras na dumating sa akin ‘yan, diretso na ‘yan sa Ombudsman. Bahala na kayo doon sa buhay ninyo,” babala ng presidente.

Imahe mula sa PNA

“Because the Ombudsman can order you dismissed, order you — you face charges. The Ombudsman can suspend you anytime. With strong reasons or with weak reasons, that has to be seen but he has that power,” dagdag pa nito.

Hindi raw niya mawari kung saan o sino ang may pagkukulang dito – ang LGUs ba mismo o yaong pamamahagi ng pera para sa mga ayudang ibibigay nila.

Ganun pa man, hindi umano katanggap-tanggap ang ganitong sitwasyon at dapat ay ipamahagi ang tulong ng pamahalaan na walang karagdagan pang pahirap sa mga mamamayan.

Loading…