Pang. Duterte nag-utos na pag-aralang mabuti ang proposal na gamitin ang Bataan Nuclear Power Plant

Imahe mula sa UNTV
  • Nag-utos si Pangulong Duterte sa energy authorities na pag-aralang mabuti ang proposal na gamitin ang BNPP
  • Nais ng Pangulo na konsultahin muna ang mga residente ng Bataan hinggil sa BNPP
  • Ang 621-megawatt nuclear power plant ay naitayo sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, ngunit hindi ginamit dahil diumano sa mga safety issues

Naglabas ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte na pag-aralang mabuti ang mungkahi na gamitin ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) kasunod ng pakikipagpulong niya kay Department of Energy Secretary Alfonso Cusi at dating Pangasinan Representative Mark Cojuangco, na masigasig sa pagsusulong na magamit ang nuclear power plant.

Imahe mula sa PCOO

Kasabay ng direktiba, sinabi ng Pangulo na kailangan din na makonsulta ang mga residente ng Bataan hinggil sa panukala.

“Ang sabi po ng ating Presidente, kinakailangan talagang pag-aralan, ibalik sa ground level. Tatanungin ang taumbayan ng Bataan kung ano ba talagang gusto nila. Hindi pupuwede na sa taas nanggagaling ang desisyon,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang press conference na ginawa sa Mariveles, Bataan na dinaluhan ni Gov. Abet Garcia ng nasabing probinsya.

“I take that to mean na tayong mga taga-Bataan ang konsultahin muna kung gusto natin buksan ang Bataan nuclear power plant,” ayon pa kay Roque na tubong Bataan.

Ang 621-megawatt nuclear power plant ay naitayo noong 1980s, sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, ngunit hindi ginamit dahil sa diumano ay mga safety issues.

Imahe mula sa ASEAN Center for Energy

Noong buwan ng Hulyo, itinatag ni Pangulong Duterte sa pamamagitan ng Executive Order Number 116 ang inter-agency committee na inatasan niyang pag-aralan ang posibilidad na paggamit ng nuclear power upang matiyak na may tuluy-tuloy na supply ng enerhiya ang bansa para tugunan ang pangangailangan ng lumolobong populasyon at ng ekonomiya.

Ang Nuclear Energy Program Inter-Agency Committee ay pinamumunuan ng Department of Energy at ng Department of Science and Technology.

Imahe mula sa DOE

Loading…