Pang. Duterte sumang-ayon kay Lorenzana tungkol sa red-tagging: “Manahimik na lang”

Imahe mula sa Yahoo News
  • Kinampihan ni Pangulong Duterte ang naging pahayag ni Lorenzana tungkol sa red-tagging
  • Kung wala daw ebidensiya ang militar ay dapat manahimik na lang muna
  • At kung mayroon man ay dapat magsampa ng lang ng kaso, ayon sa Palasyo

Kinampihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana tungkol sa isyu ng diumano’y red-tagging na kinasasangkutan ni Southern Luzon Command (Solcom) chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr.

Magugunitang sinabi ni Lorenzana na dapat ay maging maingat ang sinuman sa pag-aakusa lalo pa’t wala namang ebidensiya.

BASAHIN: Lorenzana kakausapin si Parlade dahil sa ‘lumalaking brouhaha’ kaugnay sa ‘red-tagging’ kay Liza

“Dapat may ebidensya tayo bago mo sabihin na leftist ‘yan, NPA ‘yan. Dapat may ebidensya tayo, otherwise, just keep quiet,” ani Lorenzana sa dating panayam.

Imahe mula sa Military.com

Sang-ayon naman umano dito ang Pangulo, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

“The President has spoken through Secretary Delfin Lorenzana when he warned both police and military authorities to be very careful in red-tagging,” wika ni Roque. “Ang suggestion nga ni Sec. Lorenzana is no need to publicize kung sino ang mga suspected communists.”

Nabatikos si Parlade matapos mistulang binalaan si Liza Soberano dahil sa pagsalita ng huli sa isang online forum ng Gabriela Youth. Idinamay rin ni Parlade si Catriona Gray sa kaniyang kontrobersiyal na pahayag.

Lt. Gen. Parlade| Imahe mula sa CNN PH

Ayon kay Roque, dapat ay manahimik na lang ang militar kung wala namang sapat na ebidensiya. At kung mayroon man ay magsampa na lang umano ng kaso sa korte.

“Manahimik na lang. Kung meron kayong pinaghihinalaan, proceed with your surveillance. If there’s evidence, then file the appropriate criminal complaint,” pahayag ng opisyal ng Malakanyang.

Maliban kina Liza Soberano at Catriona Gray, inakusahan din ni Parlade ang kapatid ni Angel Locsin na si Ella Colmenares na bahagi umano ng ‘underground’ dahil sa ginagawang ‘legal work’ nito para sa Gabriela.

Loading…