Boses ni Lloyd Cadena, narinig ng netizens sa bagong vlog ng ina?

Imahe mula sa YouTube | Mother Kween at Instagram | Lloyd Cadena
  • Napansin ng netizens ang diumano ay boses ni Lloyd Cadena sa ilang bahagi ng bagong vlog ng kaniyang inang si Mother Kween
  • Narinig daw nilang tinatawag ni Lloyd ang kaniyang ina at sinasabing ‘nahihirapan na ako’
  • Ayon naman sa ilan, galing ang mga tunog na iyon kay Mother Kween na nag-stutter sa ilang parte ng vlog

Dinumog ng netizens ang bagong vlog ng ina ni Lloyd Cafe Cadena na si Lorita Cadena o Mother Kween dahil narinig nila diumano ang boses ng pumanaw na vlogger doon.

Imahe mula sa Instagram | Lloyd Cadena

Oktubre 11 nang mag-post ng video si Mother Kween sa kaniyang channel na may pamagat na “Ask Mother Kween.”

Habang sinasagot niya ang katanungan mula sa netizens ay may maririnig na tila boses ni Lloyd.  Sa isang bahagi ay tinanong si Mother Kween kung ano ang pinakamahirap sa pagiging isang ina. “Napakahirap kung ‘yong anak mo ay mauna pa sa’yo,” aniya.

Sa 6:48 mark ng video, habang ipinapaliwanag niya ang kaniyang sagot, ay maririnig na mayroong nagsabi ng “Ma.” Sa ika-7:22 naman ay may narinig ang netizens na “nahihirapan na ako.”

Dahil sa mga ito, hiniling ng mga taga-hanga ni Lloyd na patuloy siyang isama sa mga panalangin.

“The line ‘nahihirapan na ako’ on 7:22 was very clear. I don’t know how to react. Wherever you are, Kween LC, rest in peace,” sabi ni Martha.

Imahe mula sa Instagram | Lloyd Cadena

“Isa lang ang ibig sabihin niyan. Kung talagang si Kween LC ang naririnig natin, ibig sabihin tinutulungan pa rin niya si Mother Kween sa pagba-vlog. ‘Di ba, ito tayo ngayon, pinanonood nang paulit-ulit ‘yong video,” sabi ni Nicka M.

Ang ilan naman, sinabing ang boses na naririnig ng ilan ay galing din kay Mother Kween na nag-stutter sa ilang bahagi ng video.

“I also heard those ‘creepy’ words pero after reading some comments, I came back to the video and focused on Lloyd’s mother. It definitely came from her,” sabi naman ni Mike J.

Pangako naman ni Mother Kween, patuloy siyang magbibigay ng update tungkol sa pagpapagawa nila ng bahay. Sa ngayon daw kasi ay hinto muna ang construction habang hinihintay ang 40 days ni Lloyd.

Hindi na rin daw sila maglalagay ng bagong video sa channel ni Lloyd. “Panoorin n’yo na lang ‘yong mga lumang video niya para hindi naman very lonely, makikita n’yo pa rin siya sa mga luma niyang video. Walang mag-take over sa channel ni Lloyd,” sabi niya.

Panoorin dito ang video:

Source :

YouTube

Loading…