Para ‘di makigulo sa online class, Aki gumawa ng cardboard laptop para kay Summer

Imahe mula sa Instagram | LJ Reyes
  • Kinagiliwan ng netizens ang panganay na anak ni LJ Reyes na si Aki matapos nitong gumawa ng improvised laptop para sa kapatid
  • Nakikigulo raw kasi si Summer kapag nagre-review ang kaniyang Kuya
  • Ginawa pang alphabetical order ni Aki ang keyboard ng laptop na ito dahil dito raw sanay ang kaniyang baby sister

The struggle is real para sa ilang mga magulang ngayong simula na ng online classes ng kanilang mga anak.

Can relate dito ang aktres na si LJ Reyes dahil habang nag-aaral ang kaniyang panganay na si Aki ay nakikigulo naman ang kaniyang baby girl na si Summer.

Imahe mula sa Instagram | Paolo Contis

Kuwento ni LJ, madalas na nanonood si Summer kapag nag-o-online class ang kaniyang Kuya. “Summer has always been happy seeing Aki in front of his laptop especially when there are friends around. Ibig sabihin ‘pag nasa klase siya! ‘Pag break naman sila, grabe pa siya maka-hi sa classmates ni Aki,” kuwento ng aktres.

Kaya lamang, nahihirapan daw si LJ ‘pag tapos na ang klase ni Aki dahil sinusubukang abutin ni Summer ang laptop ng kaniyang Kuya. Buti na lamang at nakaisip ng paraan si Aki upang may pagkaabalahan din ang kaniyang baby sister.

Imahe mula sa Instagram | Paolo Contis

Gamit ang scotch tape ay pinagdikit ni Aki ang dalawang cardboard upang magsilbing improvised laptop ni Summer. Nag-drawing din siya ng monitor, keyboard, at touchpad nito.

“Ito ang naging paraan ni Aki! A handmade laptop for Summer! Hindi lang daw puwedeng matupi! But he modified the keyboard in alphabetical order kasi mas sanay daw dun si Summer. ‘Di ko alam pero proud na proud ako kay Aki,” sabi ni LJ.

Dahil kay Baby Summer, Paolo Contis napilitang manood ng ‘Frozen’ imbes na NBA finals

Kamakailan lamang ay nag-trending din ang larawan ni Paolo Contis kasama ang anak na si Summer dahil sa halip na manood ng basketball ay iba ang kaniyang tinututukan. “Game 1 ng NBA Finals pero FROZEN ang pinapanood ko!!!” kalakip ng larawan kasama ang anak na nakangisi.

Loading…