“Parang kinain nila ‘yung sinabi nila”: Kim Chiu sa nag-yes sa ABS-CBN shutdown pero nag-audition sa PBB Connect

Image by Kim Chiu via Instagram | Image by Pinoy Big Brother ABS-CBN via Facebook
  • Kim Chiu sinabing okay lang na mag-audition sa Pinoy Big Brother ang mga sumuporta sa pagbasura sa prangkisa ng ABS-CBN
  • Sa ginagawa nilang ito, aniya, parang sinusuportahan na rin nila ang ABS-CBN at kinain ang mga naunang sinabi
  • Saad pa ng aktres, kahit na nag-yes sila sa shutdown, naniniwala pa rin silang may pag-asa sa TV station

Kabilang si Kim Chiu sa mga artistang pinakanaghayag ng suporta para mabigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN. Ano kaya ang masasabi niya sa mga nag-yes sa pagpapasara sa Kapamilya Network pero nag-audition sa Pinoy Big Brother Connect?

Image by Kim Chiu via Instagram

Ani Kim sa nakaraang bloggers conference para sa kanyang film na U-Turn, okay lamang daw ito dahil hindi nanaig ang ABS-CBN shutdown at mayroon pa ring liwanag. Sinabi rin niya na sa ginagawa nilang ito’y parang sinusuportahan na rin nila ang istasyon at parang kinain ang mga naunang sinabi.

“Okay lang, at least ‘di nanaig ‘yung sinabi nilang yes to ABS-CBN shutdown. Meron pa ring liwanag at the same time, sa ginagawa nilang ‘yan, sinu-support pa rin nila ‘yung Kapamilya channel so parang kinain nila ‘yung mga sinabi nila.”

Maganda rin umano ito para mabigyan ang mga ito ng pag-asa na maging housemate at matupad ang pangarap para sa kanilang pamilya.

“Naniniwala pa rin — because of Kapamilya Channel, because of ‘Pinoy Big Brother’ opening the house again sa lahat ng mga nangangarap — na there’s still hope. Kahit na sinabi nilang ‘Yes to ABS-CBN Shutdown,’ naniniwala pa rin silang merong pag-asa dito sa ABS.”

Nag-yes sa shutdown, puwedeng makapasok? Bahay ni Kuya muling magbubukas, audition dinagsa

Nauna nang nasabi ng talent manager na si Ogie Diaz na pupuwedeng kumuha si Big Brother ng mga gipit na sumuporta sa ABS-CBN shutdown dahil kailangang magkakaiba ang mga personalidad at attitude ng mga papasok sa loob. Kabilang na raw dito ang “makapal ang mukha.”

Image by Ogie Diaz via Facebook

“Kung maraming sumali na nag-post ng ‘yes to shutdown’, maaaring isa diyan, kunin ni Kuya. Kasi, sa loob ng Big Brother House, kailangan din ng isang ‘makapal ang mukha’.”

Ang Pinoy Big Brother Connect ang ika-siyam na season ng PBB. Nagaganap ngayon ang audition dito para sa mga aspiring housemates na may edad 16 hanggang 35.

Image by Pinoy Big Brother ABS-CBN via Facebook

Loading…