Parlade walang planong mag-apologize sa naging pahayag kay Liza Soberano

Imahe mula sa Facebook
  • Walang planong humingi ng paumanhin si Parlade sa kaniyang naging pahayag kay Liza
  • Iginiit din ng heneral na hindi niya nired-tag ang Kapamilya aktres
  • Wala rin umano siyang masamang intensiyon na takutin ang kababaihan

Naninindigan si Armed Forces of the Philippines (AFP) Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. na hindi niya nired-tag si Liza Soberano matapos ang kaniyang kontrobersiyal na pahayag na mistulang nagbibigay-babala tungkol sa pagiging malapit ng aktres sa grupong Gabriela Youth.

Wala rin umano siyang dapat ihingi ng paumanhin dahil wala naman siyang masamang intensiyon laban sa Kapamilya aktres.

Lt. Gen. Parlade| Imahe mula sa CNN PH

“I don’t need to apologize. Why should I apologize? I don’t have any intention of hurting Liza Soberano,” ani Parlade sa panayam ng CNN Philippines.

Nabatikos ang heneral dahil sa kaniyang pahayag sa social media na nagsabing may panahon pa para layuan ni Soberano ang Gabriela Youth upang hindi niya sapitin ang naging kapalaran ng aktibistang si Josephine Anne Lapira.

Ginawa ni Parlade ang kaniyang pahayag isang linggo matapos magsalita si Soberano sa isang Gabriela Youth online forum para ibahagi ang kaniyang karanasan nitong pandemya.

“Definitely, I did not red-tag Liza Soberano. In fact, I came in to defend her position na it’s okay to be an activist and to defend women’s rights. It’s not right that we don’t inform Liza Soberano about the nature of Gabriela Youth to which she was engaging with during the webinar,” paliwanag pa ni Parlade.

Imahe mula sa Star Cinema

Sa isa pang hiwalay na panayam, ibinahagi rin ng heneral na nagpasalamat pa nga raw ang abogado ni Soberano sa kaniya dahil ipinaalam sa kaniyang kliyente kung anong klaseng organisaasyon ang Gabriela.

Iginiit din ng sundalo na wala siyang tinatakot na babae dahil mayroon din siyang anak, kapatid at mga kaibigang babae.

Sa katunayanan umano ay suportado niya ang mga adbokasiya ng mga ito na ipagtanggol ang karapatan ng mga kababaihan.

Loading…