Passenger capacity ng mga pampublikong sasakyan planong itaas sa 70%

Imahe mula sa PNA
  • Planong itaas ng IATF ang passenger capacity ng mga pampublikong sasakyan
  • Mula sa ksalukuyang 50% ay planong itaas sa 70% ang kasasidad ng mga pumapasadang sasakyan
  • Hiniling ni DOLE Secretary Silvestre Bello III sa DOTr na itaas ang ridership capacity sa public transportation dahil naaapektuhan ang mga manggagawa sa kakulangan ng masasakyan

Pinag-iisipan ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na itaas sa 70 percent ang passenger capacity ng mga pampublikong sasakyan.

Imahe mula sa PNA

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hiniling ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III sa Department of Transportation (DOTr) na itaas ang ridership capacity sa public transportation dahil naaapektuhan ang mga manggagawa sa kakulangan ng masasakyan.

Pinag-iisipan na umano ng IATF ang apela ni Sec. Bello.

“Well, pinag-iisipan po talaga iyan ng IATF dahil alam natin na ang tanging paraan para maiahon sa kahirapan ay ang pagbubukas ng ekonomiya,” sabi ni Roque.

Aniya, sa patuloy na pagbaba ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 hindi na magtatagal ay maitataas na rin ang passenger capacity ng mga pampublikong sasakyan.

“At sa tingin ko po it’s a matter of time ‘no bago natin maibalik sa 70% itong transportation natin,” aniya.

Binanggit pa ni Roque na ayon sa dalawang dating health secretaries ng bansa na sina Dr. Manuel Dayrit at Dr. Esperanza Cabral na wala namang magiging problema kung itaas ang ridership capacity basta susundin lang ng mga pasahero ang health and safety protocols.

Imahe mula sa DOTr-MRT3

“Ang sabi naman po ng mga doctor na pinangungunahan ng ating mga Department of Health Secretaries –  Dr. Dayrit at Dr. Cabral – basta naman po magsusuot ng face mask, face shield, walang usapan, walang kainan, may ventilation at sina-sanitize ang mga public transportation ay wala naman pong karagdagan na aberya,” ani Roque.

Sa kasalukuyan hanggang 50% passenger capacity lang ang pinapayagan sa mga pampublikong sasakyan.

 

Source :

GMA Network, PNA

Loading…