“Paubaya” ni Moira Dela Torre pinag-usapan; mga netizens nagbigay ng mga hugot

  • Pinag-usapan ang pinakabagong awitin ni Moira Dela Torre
  • May pamagat itong “Paubaya”
  • Marami sa mga netizens ang nagbahagi ng kanilang kuwento hinggil dito

Ilang araw pa lamang nailalabas sa social media platforms, pinag-usapan na ang panibagong awitin ng tinaguriang “Queen of Hugot Songs” na si Moira Dela Torre na may pamagat na “Paubaya.” Marami kasi ang naka-relate much sa mensahe ng awiting ito; isama mo pa ang nakadadalang melodiya nito.

“Alam kong hindi madaling maging vulnerable kaya salamat sa tiwala. Salamat sa inspirasyon. Sobrang tapang ninyong lahat,” mensahe ni Moira sa kaniyang YouTube channel kung saan naka-upload ang lyric video ng kaniyang pinakabagong awitin.

Imahe mula sa Instagram account ni Moira Dela Torre

Kaya naman, marami sa mga netizens ang nagbahagi ng kanilang mga kuwento at karanasan ukol sa pagpaparaya o pagpapaubaya. Isa sa mga kinilala at napansing kuwento ay sa nagngangalang “Sachi.” Pitong taon na umano ang relasyon niya sa kaniyang nobyo nang makabuntis ito ng ibang babae.

“It was a stupid one night stand after a guys night out. He’s very sentimental when it comes to family because he grew up without a dad. So when he learned that he knocked up a random girl at a bar, he went away for a few days alone to think,” kuwento niya.

Pinili raw ng kaniyang nobyo na panindigan ang ina ng kanyang magiging anak.

“He told me that I’m the love of his life and that’ll never change but he can’t let his kid grow up without a complete family, so to cut the story short — he chose the stranger, the mother of his child, over me,” aniya.

Subalit kakaiba ang naging “twist” sa kuwento ni Sachi. Napag-alaman niya kasing nagdadalantao rin pala siya, at ang ama nito ay ang kaniyang nobyo — na ikinasal na sa ibang naka-one night stand lamang.

Imahe mula sa Instagram account ni Moira Dela Torre

Isa si Moira sa mga napukaw ang atensyon sa naging karanasan ni Sachi. Nagbigay siya ng word of encouragement at sinabing hindi siya nag-iisa. Ibinahagi rin ni Moira na kahit siya ay pinalaki ng isang single mom.

“I was raised by a single mom. Nagpaubaya rin siya. But in time, healing always comes and God always turns the deepest wounds into our greatest strengths. If our lives didn’t start out that way, I don’t think my life would’ve turned out this way,” ani Moira sa kaniyang Facebook post.

“The most unexpected, most beautiful things happen pag pinaubaya natin kay God lahat. You are not alone. And you are stronger than you think. Praying for you and your baby. Thank you for sharing your story.”

Panoorin ang YouTube video ng naturang awitin:

Loading…