PBA player nagpositibo sa COVID-19; laro ng Blackwater at Rain or Shine postponed

imahe mula sa PBA
  • Isang player ng Blackwater Elite ang nagpositibo sa COVID-19
  • Ang buong team niya at ang TNT na huli nilang nakalaban ay inilagay na sa isolation
  • Kamakailan lang, isang PBA referee sa PBA bubble ang pinaghinalaang mayroong COVID-19 infection, subalit nagnegatibo ito sa confirmatory RT-PCR test

Isang player na nasa loob ng Philippine Basketball Association (PBA) bubble sa Clark, Pampanga ang nagpositibo sa COVID-19.

Imahe mula sa PBA

Sa press briefing nitong Linggo, October 25, sinabi ng PBA na ang buong koponan ng Blackwater Elite ay inilagay sa isolation matapos magpositibo sa SARS-CoV-2, ang virus na sanhi ng COVID-19,  ang isa sa kanilang players. Dahil sa pangyayari ay ipinagpaliban ng PBA ang nakatakda sanang paghaharap ng Rain or Shine at Blackwater.

Sinabi ni Bases Conversion and Development Authority President and CEO Vince Dizon na ang naturang Blackwater Elite player ay isinailalim sa quarantine sa Athlete’s Village sa Capas, Tarlac.

Ang nasabing player, ayon kay PBA medical consultant Dr. Jose Raul Canlas ay isasailalim sa RT-PCR swab at antigen test. Ang iba pang players ay bibigyan din ng antigen test sa mga susunod na araw.

Inirekomenda ni Dizon na ilagay din sa isolation ang buong team ng TNT Tropang Giga na nakalaro ng Blackwater noong Huwebes, October 22. Sa kabila nito, iginiit niya na walang protocols sa loob ng PBA bubble ang nalabag.

“There is no reason to say that the bubble has been breached. The protocols have been followed,” pahayag ni Dizon.

Imahe mula sa NTF Against COVID-19

Kamakailan lang, isang PBA referee sa PBA bubble ang pinaghinalaang mayroong COVID-19 infection, subalit nagnegatibo ito sa confirmatory RT-PCR test. Sa kabila nito ay kailangan niyang tapusin ang nalalabi sa kanyang 10-day quarantine.

Loading…