Penmanship ng isang mag-aaral ginawang font sa computer

  • Bumilib ang mga netizens sa isang mag-aaral ng IT
  • Ginawa niyang font sa computer ang kaniyang penmanship
  • Tinatawag itong “calligraphy”

Hindi lahat ng tao ay may magandang penmanship o sulat-kamay. Ang iba, pabirong inilalarawan bilang “kinahig ng manok” o kaya naman ay “sulat-doktor.” Kaya naman tunay na nakabibilib kung makakakita tayo ng mga taong parang computerized ang paraan ng pagsusulat, o kaya naman, mahusay sa tinatawag na “calligraphy.”

Kaya naman, ibinida ng isang young calligraphy artist na si “Jan Lean Baliong” sa kaniyang Facebook post ang kaniyang sulat-kamay o penmanship na ginawa niyang font style sa computer. Siya ay isang mag-aaral ng Bachelor of Science in Information Technology kaya naman “sisiw” lamang ito sa kaniya.

Imahe mula sa Facebook account ni Jan Lean Baliong

“Tinatamad ka ba magsulat? Kung tinatamad ka magsulat puwede mong gawing font ang handwriting mo tapos ipiprint mo na lang. Pwede ka gumawa ng sarili mong alphabet para ikaw lang nakakaalam HAHAHA. Sana makatulong sa kapwa tamad magsulat AHAHAHAHA,” ayon sa kaniyang caption.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.

“Ang cute talaga huhuhu hirap kasi maghanap ng font na angkop talaga sa liking. Thank you sa pag-share,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “This is really cool!”

Hindi raw inakala ng mag-aaral na magugustuhan ng mga netizens ang ibinahagi niya.

“Hilig ko po magsulat sa journal at gusto ko po magsulat. Sumagi sa isip ko na ayaw ko ng regular fonts sa computer, gusto ko ‘yung handwriting ko pa rin, then naisipan ko po na baka pwede po gawing font ‘yung handwriting, tapos habang nagbo-browse po nakita ko po ‘yung site. Tinry ko po siya then natuwa po ako sa kinalabasan,” aniya.

Samantala, gumawa siya ng isang tutorial video kung paano ito gawin, sa kaniyang YouTube channel, dahil nga pumatok sa Facebook ang kaniyang post.

Image capture mula sa Youtube channel ni Jan Lean Baliong

“Here I’m going to show you how to make your own handwriting as a font. Thank you for sharing my Facebook post and the heartwarming response I got from you guys. Hope this will help you more!” sabi niya.

Panoorin ang naturang video tutorial via YouTube channel:

Loading…