PH ambassador to Brazil nahulicam na pinagbubuhatan ng kamay ang kasambahay na kapwa Pilipino

Screenshot mula sa video ng ANC
  • Nahulican si PH Ambassador to Brazil na ilang beses pinagbuhatan ng kamay ang kasambahay na kapwa Pilipino
  • Pinauuwi na ni DFA Sec. Teddy Locsin sa bansa si ambassador Marichu Mauro
  • Ibinahagi ng Brazilian news channel na Globo News ang video ng pananakit na ginawa ni Mauro sa kasambahay

Pinauwi ni Secretary Teddy Locsin, Jr. ng Department of Foreign Affairs sa bansa ang Philippine ambassador to Brazil dahil sa ginagawa nitong pagmamaltrat0 sa kasambahay na kapwa Pilipino. Ang ginagawang pagmamalupit ay nakuhanan ng video.

Screenshot mula sa video ng ANC

Sa isang Twitter post, sinabi ni Sec. Locsin na pinabalik ng Pilipinas si Ambassador Marichu Mauro upang pagpaliwanagin sa isyu ng pagmamaltrato.

“The Philippine ambassador to Brazil has been recalled effective immediately to explain the maltreatment of her service staff,” tweet ng kalihim.

Ang recall order na ginawa ni Sec. Locsin ay kasunod ng report ng Brazilian news channel na Globo News kung saan ibinahagi ang kuha ng video at makikita si Ambassador Mauro na ilang ulit sinaktan ang Pinay household helper.

Sa isang video, makikitang sinampal ni Mauro ang 51-anyos na kasambahay, pero tumigil siya nang pumasok ng bahay ang isa pang kasambahay. Makikita rin na hinihila ng envoy ang tainga ng Pinay maid at sa iba pang kuha ng video ay pinalo niya ito ng payong.

Ang mga video ay kuha ng security camera at ng ibang empleyado na ayaw magpakilala.

Ayon sa Brazilian reporter na si Fabiano Andrade, sinubukan ng Globo News na kontakin si Ambassador Mauro  matapos nilang makatanggap ng mga kopya ng video ng insidente, subalit hindi umano sumasagot sa tawag ang embahador.

Screenshot mula sa video ng ANC

“We are concerned that it will not happen again. The Filipino people, known worldwide for their work, do not deserve to be represented by a person with this behavior,” anang Brazilian reporter.

Ang Pinay kasambahay ni Mauro ay umalis ng Brazil noong ika-21 ng Oktubre at nasa Pilipinas na ngayon.

Nakikipag-ugnayan na ang DFA sa kasambahay upang tiyakin ang kapakanan nito at kooperasyon sa imbestigasyon. Nangako sa publiko  ang DFA na magsasagawa ng masusing pagsisiyasat sa insidente.

Screenshot mula sa video ng ANC

Panoorin ang video ng ginawa ni Ambassador Marichu Mauro sa kasambahay na Pinay:

Source :

ABS-CBN, Philstar

Loading…