PhilHealth binayaran na ang kalahati ng utang sa red Cross; P500-M na-release na

Imahe mula sa media.ifrc.org
  • Nakapagbayad na ang PhilHealth ng kalahati ng kanilang utang sa PRC
  • Na-release na umano nitong Martes ang P500-M bilang paunang bayad
  • Tiniyak din ng ahensiya na babayaran nila ang iba pang laboratories na nagsasagawa ng test para sa mga OFWs

Matapos ang ilang linggong paniningil, nabayaran na rin ng PhilHealth ang kalahati ng utang nito sa Philippine Red Cross (PRC) na umabot sa mahigit P1.1-B.

Sa Twitter account ng state insurer, inanunsiyo nito na narelease na umano ang P500-M bilang kabayaran ng PhilHealth sa ginawang coronavirus testing ng PRC.

“The Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) today released PHP 500 million as partial payment to the Philippine Red Cross,” ayon sa pahayag ng ahensiya.

Screenshot mula sa Twitter

“It will expedite processing of the remaining balance following strict compliance to government accounting rules and regulations,” dagdag pa ng tweet ng Philhealth.

Hindi rin nagustuhan ng PhilHealth ang mga binitawang salita ni Senador Richard Gordon, ang chairperson ng PRC, tungkol sa kabiguan nilang makasingil at kay PhilHealth chief Dante Gierran.

“PhilHealth takes exception to the insinuation that it is reckless and is playing on people’s lives. Its prudence in taking charge of its members’ hard-earned contributions is central to the state health insurer. Its exercise of judiciousness is to protect the people and their funds,” ani Gierran sa sumunod na pahayag.

Screenshot mula sa Twitter

Nitong Martes, naglabas ng saloobin si Gordon sa isang panayam kung saan tinawag niyang ‘sobrang maingat’ si Gierran habang ‘reckless’ naman ang ginagawa ng PhilHealth para sa mga sa mga taong hindi naisasailalim sa COVID testing ng PRC.

“Sobra ngang ingat para sa kaniya, sobrang reckless para sa mga tao na hindi mate-test. I am totally perplexed why he is acting this way. I don’t want to lose our friendship,” bahagi ng senador.

Samantala, tiniyak naman ng PhilHealth na babayaran din nila ang iba pang accredited laboratories na nagsasagawa ng RT-PCR tests para sa mga OFWs sa lalong madaling panahon.

Loading…