Kailangang mabayaran ng Philhealth ang balanse sa loob ng 3 araw – Sen. Gordon

Imahe mula sa Facebook
  • Dapat raw magbayad ang Philhealth ng kanilang balanse sa loob ng tatlong araw
  • Kalahati lang kasi ang narelease na tseke na nagkakahalaga ng P500-M bilang kabayaran sa PRC
  • Bago pa man makabayad, sinabi ni Gordon na ‘sobrang ingat’ si Gierran at ‘takot gumalaw’

Matapos makasingil ng P500-M, o halos kalahati lamang ng utang ng Philhealth, pinaalalahanan ni Senador Richard Gordon na kailangang magbayad ang state insurer ng kanilang balanse sa loob ng tatlong araw.

Magugunitang nakakolekta ang Philippine Red Cross (PRC) ng P500-M na tseke nitong Martes na kalahati lang ng utang ng Philhealth na umabot na sa P1.1-B sa loob ng ilang buwan.

Imahe mula sa PNA

“The debt is due and demandable. The agreement says upon the demand by the Red Cross of payment when we submit the receipts and all the things that go with that such as the records and results, they should pay in three days,” wika ni Gordon, na siya chairman ng PRC, sa panayam sa ANC nitong Miyerkules.

Nilinaw din ng mambabatas na kailang bayaran ng Philhealth ang natitirang balanse na mahigit kalahating bilyon pa rin.

“Yes, they should do that. We’re not even charging interest ha,” ayon sa senador.

‘Sobrang ingat, takot gumalaw’

Bago pa man makasingil, nagpahayag na ng pagakadismaya si Gordon kay Philhealth chief Dante Gierran lalo pa’t kailangan nila ng pera sa pagpapatayo ng mga molecular laboratories sa iba’t-bang panig ng bansa.

Hinala ni Gordon, natatakot gumalaw si Philhealth chief Dante Gierran dahil hindi niya alam kung sino ang kaniyang mapagkakatiwalaan ngayon.

Imahe mula sa website ni Sen. Ping Lacson

“He’s like a new guy on the block surrounded by snakes, jackals. So, natatakot siyang gumalaw. “They have a lot of money. Puwedeng nag-iingat to the point of stupidity,” ani Gordon sa isang panayam.

Masyado raw ‘reckless’ ang ginagawang ito ni Gierran para sa mga taong hindi naisasailalim sa COVID testing ng PRC.

“Sobra ngang ingat para sa kaniya, sobrang reckless para sa mga tao na hindi mate-test. I am totally perplexed why he is acting this way. I don’t want to lose our friendship,” bahagi pa ng senador.

Imahe mula sa PRC

Naririnig raw ng senador na ang sinasabi ni Gierran ay baka siya ang imbestiganan kapag umalis na ang kasalukuyang Pangulo at magpalit ng administrasyon.

Hinimok din ni Gordon ang PhilHealth na sana ay maging maaayos itong partner sa ginagawang hakbang ng gobyerno para matest ang mga mamamamayan at tumupad sa kanilang pangako.

“If I do open myself there, I want them to pay on time. There will never be an extension anymore. What the contract provides, they must follow,” ayon sa senador.

Dahil sa problemang ito, daan-daang OFWs na dumarating sa bansa ang nahihirapan at kailangan pang magbayad ng malaki para lamang maisalalim sa COVID-19 testing.

Loading…