‘Pinas nasa top 50 pa rin ng 2020 Global Law and Order ng Gallup

Imahe mula sa Concilliation Resources
  • Nananatiling nasa ika-50 puwesto ang Pilipinas sa pinakamapayapa at maayos na bansa sa buong mundo
  • Inilabas ng Gallup ang 2020 Global Law and Order report kamakailan
  • Sa score na 84, kasama ng Pinas ang Australia at New Zealand sa ranking

Napanatili ng Pilipinas ang ranking nito sa pinakahuling survey ng Gallup, isang Washington-based analytics and advisory firm, para sa pinakamapayapa at maayos na bansa sa buong mundo.

Sa 2020 Global Law and Order report ng Gallup para sa 144 na bansa, nananatili sa top 50 ang Pilipinas sa score na 84 kasama ang Australia, New Zealand, Poland at Serbia.

Screenshot mula sa Gallup

Mababa lang ng isang puntos ang Pilipinas sa Estados Unidos at Japan na mayroong score na 85, at mas mataas ng isang puntos sa United Kingdom, South Korea at Italy na mayroong score na 83.

Ang ulat ng Gallup ay ibinase sa apat na tanong na nagmula sa 75,000 respondents mula sa 144 na bansa noong 2019:

  1. In the city or area where you live, do you have confidence in the local police force?
  2. Do you feel safe walking alone at night in the city or area where you live?
  3. Within the last 12 months, have you had money or property stolen from you or another household member?
  4. Within the past 12 months, have you been assaulted or mugged?

Nanguna ang bansang Singapore na may score na 97 habang pumangalawa ang Turkmenistan na may score ding 97. Sinundan ito ng China (94), Iceland (93) at Kuwait (93).

Nasa pinakamababang puwesto naman ang Afghanistan (43), Gabon (52), Venezuela (54), Liberia (54) at South Africa (57).

Imahe mula sa PNA

Paliwanag ng Gallup, nananatiling banta sa sustainable development ng mga bansa ang “conflict, insecurity, weak institutions and limited access to justice” at pinalala pa ito ng COVID-19 pandemic.

Anang pollster, “While Gallup’s latest global surveys on people’s perceptions of their own security were collected in 2019, before the pandemic, the results provide a baseline for how the world will respond to the challenges that have surfaced during the ensuing crises, including those related to law enforcement in the United States and elsewhere.”

Loading…