Pinay nurse nakatanggap ng British Empire Medal

  • Nakatanggap ng pagkilala ang isang Pilipinang nurse sa United Kingdom
  • Nakatanggap siya ng British Empire Award
  • Hindi siya makapaniwala sa kaniyang natanggap

Isang Pilipinang nurse ang nakatanggap ng prestihiyosong “British Empire Medal” dahil sa kaniyang walang kapagurang pagtulong at pagtupad sa kaniyang sinumpaang tungkulin, sa pakikipaglaban kontra COVID-19 pandemic.

Ang naturang nurse ay nagngangalang Minnie Klepacz, matron ng ophthalmology sa Royal Bournemouth Hospital. Hindi siya makapaniwala sa pagkilalang natanggap niya, bilang bahagi ng Birthday Honors ni Queen Elizabeth II, ang Reyna ng Uinted Kingdom.

Public Domain Image

“What an incredibly proud day… our brilliant matron Minnie has been recognized in the Queen’s Birthday Honors list and awarded a British Empire Medal,” pahayag ng UHD National Health Service Foundation Trust noong Sabado, Oktubre 10, 2020.

Ayon sa ulat, si Klepacz ang namuno sa Black Asian Minority Ethnic Network sa kanilang ospital, at siya rin ang pinagkakatiwalaan sa pagkuha ng risk assessments sa lahat ng BAME staff. Gumawa rin siya ng isang “well-being hub” para sa kaniyang mga staff, sa mga nagnanais na magpahinga.

Habang ginagampanan niya ang kaniyang mga tungkulin sa trabaho, siya rin ay tumutulong sa mga kapwa-Pilipino na nangangailangan ng intensive care.

“I never thought in my wildest dreams that I’d get an award. I feel so privileged and honored,” aniya.

“When I saw an email from the Cabinet Office, I was so worried, and thought I’d done something wrong. I plucked up the courage to read it again and responded asking if it was a spam email because I just couldn’t believe it. They told me it was true and then rang me to reassure me, I couldn’t believe it,” dagdag pa niya.

Public Domain Image

Nanilbihan siya sa naturang ospital sa loob ng 19 na taon.

Pagbati sa iyo, Nurse Minnie Klepacz! Ipinagmamalaki ka namin bilang isang kababayan!

Loading…