Pobreng lola namamalimos sa kalsada para sa online class ng apo; asawa mahina na

Image by Jhonroe Yu Cabildo via Facebook
  • Pobreng lola, namamalimos sa Monumento para sa online class ng apo, at para sa asawang mahina na
  • Dinadaan-daanan pa umano siya ng napakaraming tao
  • Marami ang naawa at nag-tag sa social media account ng programa ni Raffy Tulfo

Nakahahabag ang kuwento ng isang lola na ayon sa nakapansing netizen ay mukhang nagugutom na pero tuloy pa rin sa pamamalimos para mayroong perang maiipon para sa online class ng apo at para sa asawang mahina na.

Image by Jhonroe Yu Cabildo via Facebook

Ayon kay Jhonroe Yu Cabildo, nakita niya ang pobreng matanda sa Monumento Station sa Caloocan nang magpasa siya ng requirements para sa inaaplayang trabaho. Napansin umano niyang kaunti lamang ang pumapansin sa lola kaya’t hindi na niya natiis at nilapitan niya ito.

Agad siyang lumapit at sinabihang ‘wag itong mag-alala sapagkat may tutulong sa kanila na mas may kaya sa kanya. “‘Wag ka mag-alala may tutulong po sa inyo na mas may kaya sakin, si Idol Raffy.”

Sagot naman ng matanda, “Sino ‘yun? Nakakahiya, anak.”

Pagkukuwento ni Jhonroe, nabanggit sa kanya ng kausap na ang perang maiipon niya sa panlilimos ay gagamitin para sa online class ng kanyang apo at para na rin sa asawang mahina na.

Kinunan ng netizen ng larawan ang matanda at ibinahagi sa kanyang Facebook account na nag-trending at nakakuha na ng higit 6,900 reaksyon at nasa 8,600 pagbabahagi habang ipino-post ito.

Sabi ng isang netizen, “Palagi ko siyang nakikita sa Monumento. Kaya sa tuwing nakikita ko siya, palagi ko rin siyang inaabutan ng kahit maliit at kaunting halaga. Minsan pagkain at palagi pera. Nakakaawa si nanay dahil dinadaan-daanan na lang din siya kahit napakaraming tao.”

Image by Jhonroe Yu Cabildo via Facebook

Marami naman ang nag-tag sa social media account ng kilalang public service program ni Raffy Tulfo.

Sa panibagong update ay sinabi ni Johnroe na nahanap na niya ang tahanan ng matanda at nakahanda siyang maging tulay para matulungan ang mga ito.

I-message lamang umano ang kanyang Facebook account.

Loading…