Pogi na tapat pa: Honest cop isinauli ang napulot na bag na may P3.2 million halaga ng cash at alahas

Screenshot mula sa GMA video
  • Isang police officer ang nakapulot ng naiwang bag na may lamang cash at alahas
  • Nagkakahalaga ng P3.2 million ang kabuuang halaga ng laman ng bag
  • Hindi nagdalawang-isip na habulin ng honest cop ang may-ari ng nakaiwan ng bag

Isang napakagandang ehemplo para sa hanay ng kapulisan ang ipinakitang katapatan ni Police Corporal Marold Cabrera na nakatalaga sa Asingan, Pangasinan.

Screenshot mula sa GMA video

Isinauli niya sa may-ari ang bag na naiwan sa loob ng restaurant kung saan siya kumakain ng pananghalian. May laman iyong cash at alahas na ang kabuuang halaga ay mahigit tatlong milyong piso.

Ayon kay P/Cpl. Cabarera, ang may-ari ng bag ay kasama ng isang grupo na kumain sa restaurant. Nang makita niyang naiwan ng grupo ang bag ay agad daw niyang hinabol ang sasakyan ng mga iyon.

“Naiwan po ng isang ginang at hindi na nila nabalikan. So, ang ginawa ko po, hinabol ko na lang ‘yung sasakyan nila,” kuwento ng 30-year-old na honest cop.

Sa Tarlac na raw niya naabutan ang sasakyan. Nakita niya na nag-U-turn iyon para bumalik sa Asingan. Sinalubong niya iyon at inabot sa may-ari ang naiwang bag.

“’Yung sasakyan ho nila nakalabas na ng Tarlac. Nag-U-turn na ho. Huminto. Siguro naisip nila na naiwan ‘yung bag nila,” ani P/Cpl. Cabrera.

Screenshot mula sa GMA video

Nang maabutan ang sasakyan ay agad raw niyang ibinigay sa may-ari ang bag na ang laman ay mga alahas na nagkakahalaga ng P3 million at P200,000 cash.

Sabi pa niya, hindi na siya nagpakilala sa may-ari ng bag na labis-labis ang pasasalamat sa kanya kaya nagulat daw siya nang makatanggap ng tawag mula sa Camp Crame para purihin siya sa nagawang kabutihan.

Ayon sa hepe ng Asingan Police Station kung saan naka-destino si P/Cpl. Cabrera, isa raw talaga itong mabuting officer na mahilig magbahagi ng mga Salita ng Diyos.

Sa isang virtual flag ceremony sa provincial police headquarters sa Lingayen, binigyan ng parangal si P/Cpl. Cabrera dahil sa kanyang honesty.

Screenshot mula sa GMA video

Ilang netizens din ang pumuri sa katapatan niya:

“Salute to your honesty and kindness.. keep it up.”

“Excelent public servant God Bless.”

“Gwapo pa tapat na pulis saludo lahat kami sir sa iyo mabuti kang tao.”

Loading…