Police officer binigyan ng pagkain ang pulubi: “He cannot feed himself so I gave him food to eat”

Image by Baguio Pulisya Syete via Facebook
  • Pulis na nagbigay ng pagkain sa isang pulubi, trending sa social media
  • Ani Police Corporal Reynaldo Moyaen: “He cannot feed himself, so I gave him food to eat”
  • Umani ng papuri sa social media ang kabutihang ipinakita ni Moyaen

Marami sa ating mga kababayan ang nasa mahirap na kalagayan, lalo na ngayong may pandemya. Masuwerte na ngang maituturing ang makakain ng dalawang beses sa isang araw yamang may mga taong walang-wala at hindi makabili para sa sarili.

Image by Baguio Pulisya Syete via Facebook

Nag-trending sa social media kamakailan ang larawan ng isang miyembro ng kapulisan habang binibigyan niya ng pagkain ang isang pulubi. Ani Police Corporal Reynaldo Moyaen, binigyan niya ng makakain ang lalaki dahil sa hindi pa nito kayang mapakain ang sarili.

Saad niya, “Even though your time on the job is temporary, if you do a good enough job, your work there will last forever. He cannot feed himself, so I gave him food to eat.”

Nakatanggap naman papuri ang kabutihang ipinamalas partikular sa mga netizens, ang pangyayari ay naibahagi pa sa Facebook page ng Baguio Pulisya Syete.

Sabi ng isa, “Pandemic time is forgiving, loving, caring and sharing. God bless you more.”

May nagkomento naman ng, “Kahit saang sulok ng bayan ay palagi kong nakikita ang lalaking iyan, kalunos-lunos ang kalagayan, kaso wala akong magagawa.”

Nawa’y mas marami pang miyembro ng kapulisahin, o kahit sa ibang propesyon, ang patuloy na magpakita ng kabutihan sa kapwa; malay natin, ang simpleng kabutihan ang siyang makapagpapaunlad sa pamumuhay ng iba at mabibiyayaan naman tayo sa ibang bagay.

Image by Police Regional Office Cordillera via Facebook

Marami ring pamilya ang nasa mahirap na kalagayan ngayon kagaya ng isang padre de pamilya na mahina ang pasada at hindi pa sumusuweldo kaya’t humingi ng paumanhin sa mga anak dahil sa nakayanang tsitsirya, itlog at kamatis na ulam.

Padre de pamilya nag-sorry sa mga anak dahil sa tsitsirya, itlog at kamatis na ulam

Pagko-comfort ng ama, isipin na lamang umano ng mga anak na nabili pa niya sa ibang bansa ang ‘itlog ng dinasaur’, maging ang ‘salmon fish’ na ma-bitamina at ihalo ang ‘kamatis na galing Canada.’

Tiwala lang, malalampasan din natin ang lahat ng ito.

Image by Trending Viral via Facebook

Loading…