Police Officer tinulungan ang bata sa pag-aaral ng module; “very nice act” ayon sa netizens

Image by PnpMtprovince Paracelis via Facebook
  • Police Officer, tinulungan ang isang mag-aaral sa kanyang module
  • Ang pagtulong na ito ni DCOP PLT Bonifacio Pangad ay humakot ng atensyon sa social media
  • Marami ang nananalangin para magkaroon na ng lunas ang COVID-19 at nang muling makapasok sa paaralan ang mga bata

Habang tayo’y patuloy na nananalangin sa tagumpay ng mga eksperto sa landas ng medisina para makatuklas ng bakuna sa COVID-19, nahihirapan din sa pag-aaral ang mga estudyante. Blended learning kasi ang ginagamit at marami ang hirap sagutan ito lalo na kung walang tutulong.

Image by PnpMtprovince Paracelis via Facebook

Mabuti na lamang at mayroong mga may mabubuting kalooban na nakahandang maglaan ng kanilang oras para kahit papaano’y matulungan ang mga mag-aaral na maipagpatuloy ang pag-aaral.

Kabilang na rito ang isang police officer na kamakailan ay humakot ng atensyon sa social media sapagkat naispatan itong nagtuturo sa isang bata na hirap intindihin ang kanyang module.

Pagbabahagi ng PNP Paracelis sa Facebook, habang sila’y nagpapatrolya ay may nakita silang mag-aaral na naglalakad dala-dala ang kanyang module.

Nilapitan ito ni DCOP Police Lieutenant Bonifacio Pangad at kinapanayam. Nabanggit ng kausap na naghahanap siya ng taong makatutulong sa kanya sa module. Nang malaman ito ay agad na nagboluntaryo ang officer.

Tinuruan niya ang bata sa pag-aaral at ipinaliwanag kung papaano niya sasagutan ang mga katanungan dito. Binigyan din niya ito ng face masks.

Maliban dito’y pinayuhan ni Pangad ang bata na mag-aral nang mabuti sapagkat napakahalaga ng edukasyon sa pag-aangat ng sariling kapakanan.

Image by PnpMtprovince Paracelis via Facebook

Ang pagtulong na ito ng officer ay nakakuha na ng higit 450 reaksyon at nasa 60 shares habang ibinabahagi ito. Marami naman ang nagalak at pumuri sa kabutihan ni PLT Pangad.

“Very nice act,” ang komento ng isa. Sabi naman ng isa pa, “Ay wow sir… Nice one… Pulis na, teacher pa… Congratulations and keep up the good work for the future of our children.”

“Grabe na itong COVID-19 na ito. Maawa ka sa amin Panginoon para maalis ang COVID-19 dahil kawawa ang mga bata yamang hindi kaya ng mga magulang na turuan ang kanilang mga anak. Kailangan pa rin nila ng guro sa paaralan. Thanks sa mga sir na nagturo ng bata.”

Image by PnpMtprovince Paracelis via Facebook
Source :

Facebook

Loading…