Sign pen vendor niregaluhan ng ‘bagful of goods’, pinakain pa sa fastfood ng ale

Image by Natsu Draignel | Premier News Ventures via Facebook
  • Sign pen vendor na nawalan ng parokyano yamang nasa bahay ang mga estudyante, humihingi ng “extra” sa mga dumaraan
  • Isang ale ang dumating at binigyan siya ng “bagful of goods”
  • Inalok pa siyang kumain sa isang fastfood chain

Hindi talaga maikakaila na mahirap ang kalagayan ng marami ngayon, lalo na’t may pandemya. Mabuti na lamang at marami pa rin ang mga may mabubuting kalooban na nakahandang tumulong sa kapuwa tao; kagaya ng pagtulong sa isang sign pen vendor kamakailan.

Image by Natsu Draignel | Premier News Ventures via Facebook

Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Natsu Draignel ang isang matandang maglalako ng sign pen kausap ang isang ale. Marahil, ang lalaki ay isa sa mga nagbebenta ng sign pen sa mga eskuwela o parokyano ang mga estudyante, kaya lamang ay kakaunti na ang kustomer yamang nasa bahay ang mga mag-aaral.

Nabanggit na humihingi ang lalaki ng kahit na anong “extra” sa mga tao sa downtown area. Baka ito na lamang ang tanging naiisip niya para kahit papaano’y may maipambibili ng makakain at maka-survive siya at ang kanyang pamilya sapagkat kakaunti ang kinikita.

Kalaunan, batay sa kuwento ni Natsu, dumating ang isang babae na nagbigay ng “bagful of goods” sa mama at inalok pa umano niya ang maglalako para kumain sa kalapit na Chinese fastfood chain.

Nang una’y tinanggihan ito ng sign pen vendor sapagkat wala siyang face shield pero pinilit siya ng kausap at sinabihang siya na rin ang bahala sa face shield nito.

Muling naibahagi ang kuwento sa FB page na Premier News Ventures kung saan mayroon nang 6,000 reaksyon at nasa 2,000 pagbabahagi ang update habang ipino-post ito. Umani ng papuri ang pagtulong ng ale.

Image by Natsu Draignel | Premier News Ventures via Facebook

Komento ng isa, “Palagi ko siyang nakikita sa downtown, maliit lang ganansiya niya. Siguro puro sakripisyo lang talaga. God bless you Ma’am. Pagpalain ka sa iyong pagtulong.”

Saad pa ng iba, “Thank you Lord for sending this angel and more angels to come for manong. Small act of kindness is a big thing for somebody. God bless manong.”

Image by Natsu Draignel | Premier News Ventures via Facebook
Source :

Facebook

Loading…