Pope Francis magbibigay ng pinansiyal na tulong sa pamilya ng crew ng lumubog na Gulf Livestock 1

Imahe mula sa Vatican News
  • Magpapadala ng pinansiyal na tulong si Pope Francis sa pamilya ng crew ng lumubog na barko
  • Kabilang na rito ang 2 Pinoy na nakaligtas at iba pa na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan
  • Ang tulong umano ay magpapatuloy hanggang sa mga susunod na buwan

Maghahatid ng pinansiyal na tulong si Pope Francis para sa pamilya ng mga crew ng lumubog na barko sa Japan noong nakaraang buwan.

Ayon sa pahayag mula sa Vatican Dicastery for Promoting Integral Human Development nitong Miyerkules, magpapadala umano ang Santo Papa ng ‘economic contribution’ para sa pamilya ng lahat ng crew ng Gulf Livestock 1 na lumubog sa Sea of Japan malapit sa isla ng Amami ?shima noong ika-2 ng Setyembre.

Imahe mula sa japan Coast Guard

Sa 43 na crew ng barko, 39 rito ay mga Pilipino habang 3 naman ang banyaga. Dalawang Pinoy na tripulante ang masuwerteng nailigtas ng Japan Coast Guard habang isa pa ang natagpuan subalit binawian rin ng buhay kinalaunan.

Samantala, ang tulong na hatid ng Vatican ay sa pakikipagtulungan umano ng Apostolic Nunciatures at ng  Stella Maris centres sa Pilipinas, Australia at New Zealand.

“The Pope’s economic aid along with a small personal gift from him will be delivered personally to the families of the missing and the two survivors, to show his closeness and solidarity,” ayon pa sa Dicastery.

Imahe mula sa NPR

“This contribution is accompanied, from the very first days of the disaster, by spiritual, psychological and personalized support, offered to the Philippine families, by a team of professionals, chaplains and nuns of the Stella Maris Centres of the nation,” wika ng pahayag.

Ang nasabing tulong ay magpapatuloy umano sa loob ng ilang buwan sa pamamagitan ng social media at digital platform dahil na rin sa pinaiiral na COVI restrictions.

“This work is entrusted to Mary, Star of the Sea, the protectress of seafarers, so that she will give courage and strength to all family members to face the future not with uncertainties but with confidence and serenity,” patuloy pa ng Dicastery.

Loading…