Prangkisa ng San Miguel para sa Bulacan airport aprubado na sa ika-3 at huling pagbasa sa Senado

Imahe mula sa ADP Ingenierie
  • Naaprubahan na sa huling pagbasa sa Senado ang prangkisa ng SMC para itayo ang Bulacan airport
  • Walang senador na tumutol sa prangkisa na si Senador Grace Poe ang nag-sponsor
  • Inaasahang masisimulan na ang proyekto anumang araw kapag pormal nang naisabatas ang prangkisa

Walang tumutol sa mga senador sa ikatlo at hulign pagbasa ng prangkisa ng San Miguel Aerocity Inc. para itayo, i-develop at i-operate ang New Manila International Airport at ang katabi nitong Airport City sa bayan ng Bulakan, Bulacan.

Sa ilalim ng nasabing prangkisa, ang kumpanya ni Ramon S. Ang ay pinapayagang patakbuhin ang bagong airport sa susunod na 50 taon bago ito ibibigay sa pamahalaan. Maliban dito, exempted din ang SMC sa mga direct at indirect taxes sa loob ng 10 taon habang ginagawa ang proyekto.

Ang proyekto ay nagkakahalaga ng P736-B at posible itong simulan na kapag ang prangkisa ay pormal nang naisabatas anumang araw mula ngayon.

Imahe mula sa PNA

Ang panukalang batas ay sponsor in Senator Grace Poe at nakakuha ito ng 22 boto mula sa mga senador. Walang kumontra ni isa sa mga mambabatas kaya inaasahang madali na itong maisasabatas.

Ang proyekto ay inisyatibo ng SMC at ibinigay sa Department of Transportation (DOTr) noong nakaraang taon upang pag-aralan ng gobyerno bago pormal na binigyan ng go signal ng Malakanyang.

Kasama sa proyekto ang pagtatayo ng apat na runways para sa mga domestic at international flights na inaasahang mapapakinabangan ng 200 milyong pasahero kada taon.

Sen. Grace Poe| Imahe mula sa Facebook

Bukod dito, inaasahan ding magpapasok ang bagong airport ng ‘ilang trilyong dolyar’ sa ekonomiya, 30 milyong turista kada taon at magbibgay ng 30 milyong trabaho na may kinalaman sa turismo para sa mga taga-Bulacan at karatig probinsiya nito.

“This is our biggest investment in a single project to date, one that will definitely impact the lives of millions of Filipinos and the country in general – all the more reason for us to push for greater sustainability and choose the best people to work with us,” ayon sa naging pahayag ni Ang noong isang taon.

Ang proyekto ay dinisenyo ng mga arkitekto na siya ring nasa likod ng Changi Airport sa Singapore at Charles de Gaulle Airport ng France.

Loading…