Pres. Duterte, inatasan ang DOJ na imbestigahan ang korapsyon sa lahat ng sangay ng pamahalaan

Screenshot mula sa RTVM video
  • Inatasan ni Pres. Duterte ang DOJ na palawigin ang imbestigasyon sa korapsyon sa lahat ng sangay ng gobyerno
  • Gugugulin ni Pang. Duterte ang nalalabing panahon ng kanyang termino upang masolusyunan ang korapsyon sa pamahalaan
  • Ang utos ni Pang. Duterte sa DOJ ay mananatili hanggang sa June 30, 2022

Inatasan ni Presidente Rodrigo Duterte ang Department of Justice (DOJ) na magsagawa ng pagsisiyasat sa mga alegasyon ng korapsyon sa lahat ng sangay ng pamahalaan.

Screenshot mula sa RTVM video

“I hope all government workers, officials are listening. This is a memorandum from me, the President, to Sec. Menardo Guevarra, Department of Justice. Ang subject is investigate allegations of corruption in the entire government. Lahat,” anang Pangulo.

“The DOJ shall have the authority to decide which allegation to investigate taking into consideration the gravity thereof and their impact on the delivery of government service,” sabi pa ni Pangulong Duterte.

Sinabi pa ng Pangulo na hanggang ngayon ay nanatili pa rin ang korapsyon sa mga ahensya ng pamahalaan. Aniya, gugugulin niya ang natitirang panahon sa kanyang termino upang puksain ang corruption.

“I will concentrate the last remaining years of my term fighting corruption kasi hanggang ngayon, hindi humihina, lumalakas pa lalo. Para na tuloy naging inutil ang mga opisyal ng bayan, na wala talagang magawa with the onslaught of corruption,” aniya.

Screenshot mula sa ANS-CBN video

Matibay ang paniniwala ng Pangulo na mayroon siyang magagawa upang masolusyunan ang talamak na korapsyon sa pamahalaan.

“Hindi po ako maniwala na wala akong magagawa. May magagawa ako,” giit ni Pangulong Duterte.

Ang utos niya sa DOJ ay mananatili hanggang sa matapos ang kanyang termino sa 2022.

“This directive shall remain in effect until June 30 of 2022, pag-alis ko, unless sooner lifted or revoked,” aniya.

Source :

ABS-CBN, Inquirer

Loading…