Privatization ng PAGCOR at PCSO gaming operations para sa karagdagang pondo, pinag-aaralan

Imahe mula sa Facebook
  • Pinag-aaralan ng DOF ang pagsasapribado ng operasyon ng PAGCOR at PCSO
  • Ang pag-aaral ay bilang tugon sa panukala ni Sen. Franklin Drilon
  • Ang karagdagang revenue mula sa privatization ng gaming industry ay magagamit na pambayad sa pagkakautang ng gobyerno dahil sa COVID-19 pandemic

Pinag-aaralan ng Department of Finance (DOF) ang pagsasapribado ng gaming operations ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) upang magkaroon ng karagdagang pondo na magagamit na pambayad sa mga pagkakautang ng pamahalaan bunsod ng COVID-19 pandemic.

Imahe mula sa DOF

Ang ginagawang pag-aaral sa privatization ng PAGCOR at PCSO ay bilang tugon sa mungkahi ni Senate minority leader Franklin Drilon na i-privitize ang gaming industry sa halip na magpataw ng mas mataas o panibagong buwis sa taong 2021.

“Yes, we’re prepared to work on privatization of gambling activities,” pahayag ni DOF Secretary Carlos Dominguez noong Miyerkules, September 30, nang tanungin ng mga mamamahayag kung ano ang tugon sa panukala ni Sen. Drilon.

Tutol si Sen. Drilon sa pagpapataw ng mas mataas o panibagong buwis sa mga susunod na taon para lang makapag-generate ng revenues. Sa halip ay iminungkahi niya ang privatization ng gaming industry at pagbebenta ng government assets kabilang ang Camp Crame at Camp Aguinaldo.

“Rather than talk about new taxes, the government can generate funds to pay our debts through the long overdue sale of gov­ernment assets and privatization of the gaming industry,” anang senador.

Imahemula sa Casino Games Pro

Ayon pa sa senador, sa pag-aaral na ginawa ng DOF noong nakaraang taon, inaasahan na maaaring kumita ang gobyerno ng P300 million kada taon sa pagsasapribado ng gaming industry.

Nilinaw ni Sec. Dominguez na dahil sa pandemya ay kailangang magsagawa ng panibagong pag-aaral sa privatization ng PCSO at PAGCOR.

Imahe mula sa PCSO

Loading…