Problemado? Street vendor na naaktuhang nagpapahinga sa may sidewalk umantig sa netizen

Image by Trending Pinoy Videos via Facebook
  • Street vendor na nagpapahinga sa may sidewalk, kinaawaan ng netizen
  • Tila may dinaramdam na problema ang mama
  • Marami pa rin ang patuloy na nagsusumikap para sa pamilya ngayong may pandemya

Malaki ang naging epekto ng COVID-19 sa pangkabuhayan ng marami nating mga kababayan. Mayroong mga nawalan ng trabaho at mayroon namang kahit gaano ang pagsisikap ay hindi na kagaya ng dati ang kinikita. Pero marami pa rin ang tuloy lang sa pagharap sa mga hamon ng buhay.

Image by Trending Pinoy Videos via Facebook

Nag-trending kamakailan ang larawan ng isang street vendor habang nagpapahinga sa may gilid ng sidewalk, sa harap ng isang establisyimento. Mababakas na tila problemado ang lalaki, kaya’t kinaawaan tuloy siya ng marami.

“Pahinga ka lang tol, walang susuko,” ang mababasang caption ng Trending Pinoy Videos, kung saan ibinahagi ang sitwasyon ng mama.

Habang ipino-post ito ay nakaabot na sa higit 1,200 ang reaksyon sa larawan at nasa 160 ang pagbabahagi.

Komento ng isa, “Bilog ang mundo kuya. Naniniwala ako na darating ‘yung pag-ikot ng mundo at sa’yo naman makisimpatiya ‘yung pagpapala na nararapat sa’yo.”

Saad ng isa pa, “Tuloy lang ang buhay kahit mahirap, magpasalamat sa itaas dahil kahit papaano [ay] kumpleto ang katawan, walang sakit at malusog. Isipin mong may mga tao pang mas matindi pa ang dinaranas kumpara sa kalagayan mo ngayon. Hindi man ngayon, ang araw mo [ay] darating din ang liwanag sa’yo bukas o sa makalawa.”

Pahayag ng iba, “‘Wag kang sumuko, laban lang. Lagi nating tatandaan na ‘pag may kahirapan, laging kasunod ang kasaganahan.”

Baka mapagtripan! Matandang maglalako ng tsitsaron naispatang natutulog sa gilid

Image by Pepe News | Elizabeth Tan via Facebook

Tunay ngang marami ang patuloy na lumalaban para sa pamilya ngayong challenging times. Isa namang matandang maglalako ng tsitsaron ang naispatan kamakailan habang natutulog sa gilid sa dis oras ng gabi.

Mapapansing mukhang pagod na ito at maaaring dahil na rin sa katandaan kaya’t napagdesisyunang matulog. Marami tuloy ang nabahala na baka mapag-tripan ito.

Image by Pepe News | Elizabeth Tan via Facebook

Loading…